I couldn’t be any prouder of MJ. Pagtawag pa lang kasi sa kanya ng host sa stage, ang lakas na ng dating niya dahil sa kanyang confidence. Kaya naman kahit hindi siya kilala ng karamihan sa mga tao sa activity area ng mall, nakuha niya agad ang atensyon ng mga ‘to. “Luh. Hindi naman siya ang pinunta natin dito ah!” “Sino ba ‘yan? In fairness, ang pogi!” “’Di ba siya ‘yung nasa billboard?” Narinig ko ang magkakaibang komento ng mga tao tungkol kay MJ dahil nakatayo ako sa harap ng stage ngayon malapit sa kanila. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang ako pa ang mas kinakabahan para kay MJ. Syempre alam ko kasi ang mga galawan sa ganitong mallshows. Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon ng mga tao lalo na’t hindi pa siya sikat. Hindi rin ako sigurado kung gaano kalaki ang improveme

