Dahil hindi pinansin ni MJ ang tanong ko, kinuha ko ang pekeng nunal sa kanyang pisngi at idinikit sa pisngi ko. Pagkatapos ay inagaw ko rin sa kanyang bulsa ang teddy bear na katulad ni Teddy, Mr. Bean’s teddy bear, at sabay kaming humarap sa kanya. “What do you think you’re doing?” I said in a low tone. I talked slowly while mumbling some of my words. Sinusubukan ko kasing gayahin ang boses ni Mr. Bean. Pero syempre ay hindi ako nagtagumpay dahil mabilis akong natawa. Akala ko ‘di maiintindihan ni MJ ang sinabi ko pero ngayon pa niya ako sinagot kung kailan umarte ako. “I need a disguise. Ito lang ang nahanap ko kaya pagtyagaan mo na.” Nakita kong natatawa na rin si MJ pero pinipigilan niya. Halos mapunit naman ang labi ko sa pagngiti. “At sa tingin mo kapag nagsuot ka ng ganyan, n

