I know I live in a small space, but tonight it felt like my unit just got smaller. Pinatuloy ko ulit ang mga kaibigan namin sa loob ng condo unit ko para mas makapag-usap kami ng maayos. Nagulat talaga ako dahil hindi ko inasahang ganito kabilis namin sila kailangang kausapin. Hindi ko alam kung sapat na ba ang naging paghahanda namin ni MJ sa paghaharap na ito, but it’s not like we can run away from them forever. Nasa kusina ngayon si MJ kasama ang mga boys, naghahanda ng hapunan na ‘di ko alam kung sasapat sa lahat. Samantalang ako naman ay nasa sala, nakaupo sa sofa kasama sina Reign, Bobbie, Iaree, at Quinn. Wala raw si June dahil may prior commitment ito. Pero nandito si TJ. Sana lang ay kung ano man ang mga sabihin ni MJ ay magtugma sa sasabihin ko sa kanila. Our goal tonight

