June and I became friends when she got involved with the Valderrama family. Marami ring nakwentong magagandang bagay si MJ tungkol sa kanya noon kaya kahit ‘di pa man kami personal na napapakilala sa isa’t isa, magaan na ang loob ko sa kanya. Kalaunan ay napatunayan ko namang mabuti siyang tao at ‘di nagkamali si TJ sa pagpili sa kanya. Totoo rin ang mga sinabi ni MJ tungkol sa kanya kaya masaya ako nang mapabilang na siya sa barkada namin. She’s genuine, kind, funny at times, and I’ve never seen her in a bad light before. Pero ngayon, parang ibang tao ang kaharap ko. Pinapakita lang ba niya ang totoong ugali niya sa ‘kin o may mas malalim pang dahilan kaya siya nagkakaganito? I’d like to believe it’s the latter. Hindi naputol ang tingin namin ni June sa isa’t isa. Humakbang pa siya ng

