A deafening silence came right after June and TJ left. Hindi talaga namin inasahan ang nangyari kaya wala kahit isang nakapagsalita. Sino ba naman kasing mag-aakala na ‘yong masiyahin at kalog na June ay bigla na lang sasabog ng ganito? Hindi ako sigurado sa iba naming mga kaibigan pero wala akong alam tungkol sa pinagdadaanan nilang mag-asawa. Kung alam ko lang ang tungkol dito, I wouldn’t even dare start any conversation that might trigger this sensitive topic. Ilang minuto rin ang lumipas bago binasag ni Sunny ang katahimikan sa paligid. “I’m so sorry, guys. I should have been more careful with my questions.” Umahon na si Sunny sa kawa. Sinundan at inalalayan naman siya ni Ezekiel. Alam kong nag-sorry na siya pero hindi ko maramdaman ang sinseridad nito. “Don’t worry, kakausapin k

