Pagmulat ng mga mata ko ay halos lumuwa ang mga ito. Nahinto rin maging ang paghinga ko. Paano’y sobrang lapit ng mukha ni MJ sa ‘kin! Nakapikit naman siya. Mukhang tulad ko’y nakatulog din sa simpleng pagpikit at pakikinig ng tugtog. Hindi ko namalayan kung saang punto ako nakatulog pero dahil siguro sa pagtagilid ko kaya natanggal ang earbud na nakasalpak sa tainga ko. Dahan-dahan akong lumayo kay MJ upang hindi maabala ang kanyang pagtulog. At pagkatapos, kinuha ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. “Sh*t!” Natapik ko sa braso si MJ nang wala sa oras para gumising. Akala ko ay anong oras pa lang. “Seven na!” Na-silent ko pala ang cellphone ko. Tuloy ay hindi ko man lang napansin kahit isa sa magkakasunod na text message at tawag ni Sir Edwin! Isang oras na pala siy

