“Alam kong nagkulang kami ng tatay mo bilang mga magulang niyo. Pero kaya nga siya nandito ngayon. Gusto niyang mabuo ulit tayo. Gusto naming bumawi sa inyo.” Hindi ako makapaniwalang naririnig ko lahat ng ito galing kay Mama. Parang ang dali lang sa kanyang makalimot at magpatawad gayong nakita ko kung paano siya nalugmok at tuluyang sumuko noong iwan kami ni Papa. “Mabuo? Porke’t bumalik si Papa, sa tingin niyo mabubuo na ulit tayo?” Halos mabasag ang boses ko. Ngunit sinigurado kong mas mariin ang bigkas ko sa bawat salita. “Kahit anong gawin niya, hinding-hindi na niya mababalik pa ang pamilyang pinabayaan niyang masira ng ilang taon, Ma.” “Ano ka ba naman, Tiffany?” My mother gave me a frustrated look. It seemed like she had enough. “Bakit ba hindi ka na lang maging masaya katula

