Joyce's POV Ano ba talaga ang problema ng lalaking 'yon? Hindi ko na lang talaga pinapatulan ang mga sinasabi niya sa akin dahil alam ko naman na may kasalanan ako sa kanya kaya nga ako nandirito. Hindi ko rin pinansin ang sinabi niya na kumain daw ako dahil nawalan na ako ng gana. Narinig ko ang sinabi ni Marcus na may problema daw sila kay Sammy pero labas na ako duon at wala naman akong karapatan upang mag-usyoso sa kanila. "Hija, bitawan mo na muna 'yan at kumain ka muna duon. Nagbilin si Hugo na kumain ka at kapag hindi ka raw kumain ay ako ang sisisantihin niya. Naku ineng kumain ka na muna at baka nga tanggalan pa ako ng trabaho ni Hugo eh kailangan ko ito dahil sa akin umaasa ang mga apo ko," nag-aalalang ani ni Nanay Ester kaya nakaramdam ako ng inis kay Hugo. Sa inis ko ay bi

