────⊱⁜⊰──── Mabibining pag-iyak ni Joyce ang maririnig habang nasa silid ito ng mga anak ni Hugo. Tulog ang mga bata habang si Joyce naman ay nakadapa sa kama at umiiyak lamang dahil sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na ganuon katindi ang galit sa kanya ni Hugo. Hindi siya makapaniwala na pilit siyang pinapalayas ni Hugo. Kung hindi dahil kay Marcus at sa triplets na iniiyakan siya kanina ay baka pabalik na siya ngayon ng England. Ilang katok sa pintuan ang nagpalingon sa kanya kaya tumayo agad siya, pinunasan niya ang mga luha niya at binuksan ang pintuan. "Ineng okay ka lang ba? Pagpasensyahan mo na si Hugo. Mula ng bumalik 'yan galing England ay nagkaganyan na ang batang 'yan. Pati nga kami dito ay madalas niyang sigawan." ani ni Nanay Ester kay Joyce. "Ako po ang may kas

