" Umma... maganda po ang Pilipinas? " napangiti ako sa tanong ni Candy, sakay kami ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Matapos kong malaman ang nangyari kay papa ay agad akong kumuha mg flight pauwi. " Yes anak! " sagot ko dito. " Mabait po ba ang mama at papa niyo? " tanong nito, malungkot akong ngumiti dito. " Yes baby, sobrang bait at mapagmahal nila. " sagot ko. " I'm excited to meet them mama. " sabi nito, hinaplos ko ang buhok nito. " For sure, masaya silang makita ka. " sabi ko dito na ikinahagikhik niya ng mahina. She's so cute, yung mga mata ko ay kuhang-kuha niya. Mahaba ang buhok na tila alon ang pagkakulot. Pagdating namin ng airport ay hawak ko sa kamay ang aking anak. Pinaupo ko siya sa may waiting area at tatawagan ko ang taxi na sasakyan namin pauwi ng bahay. " Anak, st

