" Good morning po! " nakangiting bati ni Clyde kay mama pagpasok nito ng bahay, hinihintay kasi talaga namin ang pagdating niya. " Good morning! Asan ang isa ko pang apo? " masayang tanong ni mama kay Clyde. Nakwento ko kasi kahapon ang pagdating ni Clyde at Caddie, ipinahanda ko narin ang room ni Caddie kaya ayan, excited si mama. " Nasa bahay po, dadalhin ko po siya dito mamaya. " sagot ni Clyde saka umupo sa harap namin. Hinihintay naman namin ngayon si Zane, dahil ngayon nga siya kukuha ng hibla ng buhok ni Candy para sa nais niyang DNA. " Naku excited na akong makita ang apo ko, siguradong napakagwapo din ng batang yun. " masayang sabi ni mama. " Opo, napakagwapo po at napakatalinong bata. " sabi naman ni Clyde na ikinatuwa ni mama. " By the way, where's Candy? " tanong ni Clyde.

