Nagising ako dahil tila may nakamasid sa akin, pagmulat ko ay halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang mukha ni Caila at nakangiting nakatitig sa akin. " Sorry ate, natakot ba kita? diko kasi mapigilang titigan ka, lalo na ang mga mata mo. Pinaglilihian na yata kita. " nahihiyang sabi nito na ikinangiti ko. " Okay lang. Good morning! " masayang bati ko na ikinangiti niya. Napakaamo ng mukha ng batang ito, for sure yung magiging anak niya kasing ganda din niya at sana kaugali rin. " Good morning ate! Tara na sa labas, siguradong nakaluto na si kuya. " sabi nito. " Sige, maghihilamos lang ako. " sabi ko dito saka tumayo at nagtungo sa banyo. " Hintayin na kita ate. " sabi naman nito. " Okay! " sabi ko na lang saka naghilamos at toothbrush, binigyan ako ng toothbrush kagab

