Zane " Love... " napatingin ako kay Farrah, kagigising lang namin at alas otso na ng umaga. Sobrang pagod kasi kahapon at tumulong kami doon sa kasal. Ganito pala sa probinsya, tulong-tulong sa pag-aayos ng venue, sa pagluluto at sa pagliligpit. " Hmmm? " tanong ko, nakahiga parin kami at nakayakap ako sa kanya. Inamoy-amoy ko pa ang buhok niya, napakabango nito at nakakaadik. " Ayaw mo bang magkababy tayo? " nagulat ako sa tanong nito. " Ofcourse gusto ko, pero syempre ayaw ko namang pilitin ka kasi hindi kapa handa. Kaya ko namang maghintay. " sagot ko dito na ikinangiti niya. " Bngin na tayo para maaga tayong makapunta sa kasal. " sabi nito, tumango naman ako at bumitaw. " Love, may isusuot ka? " tanong ko. " Opo, nagdala ako ng mga damit ko. " sagot nito, napasimangot ako nang

