AVERY Paggising ko ay wala na si Zane sa higaan nito at katulad kahapon ay nakatiklop na ang mga ginamit na banig, kumot at unan. Bumangon ako sa higaan at dumeretso sa kusina, doon ay naabutan ko siyang may hawak na sandok at wala itong suot na tshirt. Naamoy ko ang mabangong amoy ng sinangag, tuyo at itlog. " Good morning love. " masiglang bati nito at humarap pa sakin. Tila isang traydor naman ang mga mata kong napadako sa mga abs nito, napalunok ako habang ang mga mata ay napako na dito. " Love? maganda ba? " nakangising tanong ni Zane na ikinahiya ko. Walang hiyang mga mata kasi ito e, makasalanan. " Good morning, anong niluluto mo? " tanong ko para mapalis ang pagkapahiya, kahit na naamoy ko naman kung ano ang mga niluluto nito. " Nagluto ako mga favorite mo na sinangag, dried

