" Ma'am, pwede na po kayong pumasok, tumayo lang po kayo sa gilid. " utos ng isang babae habang ako ay nakaupo at naghihintay sa backstage. Binigyan niya ako ng isang mic. Ngumiti ako dito, rinig ko ang kantang Right here waiting for you. Pagpasok ko ng stage ay nakita ko sa kaliwang gilid si Zane nakatayo at may hawak na mic. Ngumiti ito sa akin nang magtagpo ang aming mga mata pero hindi ko siya pinansin. Nang matapos ang kanta ay nagsalita si Alex Gonsaga, kasama nito si Wacky. " Ngayon ay makakasama na natin dito sa HOPE sina Zane Meyers at Farrah. Mahigit limang taon na kayong hindi nagkita at nag-usap, tama ba? " panimula ni Alex, tumango naman si Zane bilang tugon. " So ngayon, kumustahin niyo naman ang isa't-isa ngayon. " nakangiting wika ni Alex, hindi ko magawang tumingin kay

