Zane " Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Farrah ang buong katotohanan? Para hindi ka nahihirapan, ilang taon kanang nagtiis. Hanggang kailan mo balak itago ang lahat? " sermon ni Calix sakin. " Kinakaya ko pa naman lahat, isa pa kasalanan ko rin ang lahat kaya mas okay na wag na lang niyang malaman. " sabi ko. " Tsk! Tsk! Matalino ka naman sa pagkakaalam ko Zane, pero bakit ang bobo mo pagdating sa asawa mo? " sabi naman ni Zeus. Narito kami sa bahay nila Calix, saktong kukunin ko yung pinabili ko sa kanyang rubics cube nang madatnan ko dito si Zeus kaya nagkwekwentuhan muna kami. " Paano kung hindi mo nga anak ang bata? " tanong ni Calix, nagkibit balikat ako. Isa lang naman ang sigurado ako, anak ko man o hindi ang bata babawiin ko ang asawa ko. Alam kong sobra-sobrang kagaguhan ang

