" Nakuha mo na ba ang DNA result? " tanong ko kay Zane, nasa isang bench kami sa garden ng ospital. Bukas pa kasi makakalabas si Candy. Tumango ito at hindi nakaligtas sa akin ang iba't-ibang emosyon sa kanyang mga mata. Tila ba nasasaktan at nahihirapan siya sa nalamang katotohanan. " Kung ganun, pabayaan mo na kami. She's not your daughter Zane, tama na yung panggugulo dahil baka mas lalo lang maguluhan ang bata. " sabi ko dito, napalunok ito at napailing. " I don't care if she's my daughter or not. Basta ang mahalaga ay bumalik ka sakin, kaya ko siyang tanggapin at ituring na totoong anak. Ngayon pa't napalapit na ang loob ko sa bata. " sagot nito, hindi ako makapaniwala sa narinig. He's right, maging kay Candy ay napansin ko ngang magaan ang loob nito kay Zane. Siguro dahil naghaha

