" Ma'am, sa isang restaurant na lang daw po ang venue ng meeting niyo ni Mr. Meyers. " sabi ng aking secretarya pagpasok niya ng aking opisina. " Okay Lanie, salamat. " sabi ko rito, mamayang 9 am kasi ang scedule ng meeting namin ni Zach. Siya narin pala ang namumuno sa kanilang company. " Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan po kayo! " sabi nito bago tuluyang umalis, na ikinatango ko. Ilang sandali pa ay tinignan ko ang aking relo at alas otso e medya na pala. Napatingin ako sa picture frame na nakalagay sa gilid ng aking table. Sa larawang ito ay kasama ko sina Clyde, Caddie at Candy. Miss na miss ko na ang anak kong si Caddie, hindi pa kasi sila makasunod dito at biglang nagkaproblema si Clyde sa company niya roon matapos ang check up ni Caddie. Kinuha ko ang bag at naglaka

