Abala si Zane sa pagpapakain ng mga manok sa harap ng bahay, tapos narin kasi siyang magwalis habang ako nagdidilig ng mga halaman sa paligid. Pero siya talaga ang taga igib at ayaw niya akong pagbuhatin ng mabibigat. Kumunot ang noo ko nang may humintong kotse, tila nagulat naman si Zane. Napatingin kami sa kotse at nang bumukas ito ay namilog ang aking mga mata. " Ate Farrah! kuya Zane! " masiglang baba ng mga narito at patakbong lumapit sa amin at yumakap. " Kumusta ate, namiss ka namin. " masayang sabi ni Zach, siya ang nakababatang kapatid ni Zane. " Okay lang naman. " naguguluhang sagot ko dahik hindi ko alam kung bakit narito sila. Kasama niya sina Gelo at Lim na pinsan din nila at kaedad lang ni Zach. " What are you doing here? " kunit noong tanong ni Zane, nakangiti namang l

