[ FOUR ]
JIGS POV
" H-how did you do it, Khal? " wala sa sariling tanong ko kay Khal habang nakatanaw sa malayo. Kasalukuyan kaming nandito sa terasa ng kanilang bahay, nakaupo kami sa silya at umiinom ng tig isang beer. Dito ako dumiretso matapos akong ipagtabuyan sa ospital ng tatay ni Icka. Wala akong lakas ng loob na umuwi pa sa bahay. Dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanila. Hindi ko pa sila kayang komprontahin.. dahil natatakot din akong malaman ang katotohanan na talagang sila ang dahilan kung bakit ako iniwan ng aking asawa.. Kapag naiisip ko ang ilang taon na kinamuhian ko siya, na nagalit at halos isumpa ko pati ang existence niya sa mundo.. gustong gusto kong manliit.. gustong gusto kong iuntog ng paulit ulit ang aking ulo dahil nasaktan ko siya.. nasasaktan ko siya. Saying those ugly words, cursing her many times.. she did not deserve it.. and worst 2 times.. 2 times she put her life in danger because of me.. lagi akong isinasaaalang alang niya.. Ganoon niya ako kamahal.
pero ano ang iginanti ko?
Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya?
" W-What do you mean, Jigs? " uminom muna ako ng beer bago ako humarap sa kanya. " Papaano ka bumawi sa mga taon na wala ka sa piling ni Cess at sa mga anak mo? Papaano ka humingi ng tawad sa kasalanan mo sa kanya? Anong ginawa mo? P-Papa-------
Naputol ang aking mga sasabihin ng bahagya niya akong tapikin sa balikat. "Jigs, anong problema? " kunut noong tanong niya sa akin. Wala sa sariling tinungga ko lahat ang beer na nasa boteng aking hawak hawak. tuluy tuloy kahit pa nga gumuguhit iyon sa aking lalamunan. . Pabagsak kong ibinaba ang bote sa lamesa na nasa aming harapan, mabuti na lamang at hindi iyon nabasag.
" I-I m-made a t-terrible m-mistake. At hindi ko alam kung papaano ko aayusin ang lahat. Kung saan ako magsisimula? kung papaano ako hihingi ng tawad?Kung papaano ako makakabawi? kasi kahit ako hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko." naninikip ang aking dibdib, naikuyom ko ang aking dalawang kamay dahil sa sobrang galit ko sa aking sarili, sa sitwasyon at sa aking mga magulang. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang kanyang mukha.. luhaan, nasasaktan at punung puno ng hinanakit.. sa akin..
" Is it about Jessica? A-Anong pagkakamali ang sinasab---------
" Lahat ng galit ko, lahat ng hinanakit ko sa kanya.. hindi pala tama.. hindi dapat.. kasi wala naman talaga siyang kasalanan.. ako pa nga.. ako pa nga ang may kasalanan sa kanya!! ang mga magulang ko!! Ang akala ko ipinagpalit niya ako sa pera, ang akala ko ginamit at pinaglaruan niya ako!! Pero hindi pala!! I dont know what to think anymore!! Ni ayaw akong palapitin ng tatay niya sa ospital!! I am banned , dahil nasaktan ko lang naman ang anak ng presidente ng pilipinas!! shiiit!! "
" God!! that woman.. that woman sacrifice a lot for me!! for me!! She endured everything without me knowing it.. at anong iginanti ko!! Sinabihan ko siya ng mga masasakit na salita!! halos isumpa ko siya dahil ang akala ko-------- papaano ako hihingi ng tawad? papaano ko gagawin iyon kung maraming nakikialam at pumipigil?"
" Then prove to them how much you are sorry, Jigo. " napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, there on my right side galing sa kusina nakatayo si Cess habang nakahalukipkip.
" Mine, bakit gising ka pa? Hindi ba dapat tulog ka na? Bawal kang mapuyat sabi ng Ob mo." sumimangot si Cess kay Khal at naglakad papalapit sa amin. Pero imbis na umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi, umupo ito sa kandungan ni Khal. I was mesmerized when I saw her baby bump clearly, she was 4 months pregnant to be exact.. masuyo yung hinahaplos haplos ng kamay ng kanyang asawa sa aking harapan.. Hindi ko mapigilang mapaisip.. kung hindi ba kami naghiwalay ni Icka, ganito rin ba kami? may anak na rin kaya kami? Sa tuwing makikita ko silang ganito ka sweet, naiinggit ako..
Its been what?.. 2 years since Molina died, since I confessed that I loved this woman.. since I accepted the fact that the love I have from her was just a pigment of my admiration and imagination.. dahil sa kasuluk sulukan ng utak at puso ko.. isang babae lang ang minahal ko.. at iyon ay walang iba kundi ang aking asawa.
" Uminom lang ako ng gatas dahil nakalimutan ko, Fuentabella. Saka alam mo naman na hindi ako makatulog ng mahimbing kung hindi kita katabi.. At isa pa sinisiksik ako ng munti mong prinsesa na si Kaylee dahil naglalambing na naman.. nasa kama na naman natin ang batang iyon.. manang mana sa pagkaseloso mo. " parang batang sumbong ni Cess. Tanging buntong hininga na lang ang sagot ni Khal sa kanya kasabay ng paghapit niya dito papalapit sa kanya.
" Manang mana kamo sayo, Mine."
" C-Cess, papaano mo napatawad si Khal, noon? Nung malaman mong nagsinungaling kami sayo? Nakatulong ba talaga sayo yung ginawa ko ng a-ara---------
" Its because of you, Jigo.. You made me realize many things.. how much sacrifice he gave to me? he endured for us and you showed those pictures.. doon pa lang nawala na yung galit ko.. at mas nanaig yung pagmamahal ko sa kanya. " nagulat ako ng maramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking dalawang kamay na nakapatong sa lamesa. " Go to her. Prove to them kung gaano ka nagsisisi sa mga naging kasalanan mo sa kanya. Patunayan mo sa kanila na hindi mo sinasadyang saktan siya. Kahit ilang beses ka nilang paalisin, ipakaladkad at ipatapon o ipabugbog.. bumalik ka pa rin doon.. bumalik ka ng bumalik hanggang sa sila na mismo ang sumuko dahil sa pagmamatigas mo. "
" Tama si Lyka, Jigo.. eh ano kung anak ng presidente ang asawa mo? ano kung isang katerba ang bodyguard nila. Kung kailangan mo ng tulong at back up nandito ako.. anong silbi ng AGENCY kung hindi ka namin matutulungan. Pero ang dapat mong unang gawin ay umuwi sa bahay niyo at kausapin mo sina Tito at Tita. Sa kanila mo alamin ang lahat ng mga nangyari.. bago ka sumugod sa giyera. " hindi ko mapigilang mapangiti ng bahagya dahil para akong nabunutan ng tinik ng dahil sa mga sinabi nilang dalawa. Kapag talaga sila ang kausap ko sa kahit anong problema.. lagi akong nakakahanap ng sagot, lagi akong naliliwanagan. Pero mabilis iyong nabura ng maalala ko ang aking mga magulang...
" Khal can you do me favor? "
" Kahit ano pa yan, gagawin ko. "
" Tulungan mo akong malaman ang lahat ng nangyari kay Icka mula noong maospital ako. Lahat ng detalye gusto kong malaman. Kung anong nangyari sa kanya ng mga panahon na iyon. Kasi I think there's so much more.. she was hiding something from me.. lahat sila alam nila.. pero ako.. -- kung papaanong iba ang nakilala kong mga magulang niya sa nakaharap ko sa ospital kanina..? naguguluhan ako.. ang laki laki ng galit nila sa akin gayung wala naman akong kaide ideya.."
" Give me exactly one day. And you will have it. "
" Thank you. "
" Do you want my help, Jigo? Pwedeng pwede akong pumunta sa ospital bukas at puntahan siya. Magpapakilala akong kaibigan niya then I will pass any message you want me to say to her.. para kahit doon lang matulungan kita.. makabawi ako sayo.. sa lahat ng naitulong mo sa akin, sa mga anak ko.. sa amin.. And I want to meet your wife.. I want to meet the woman who tamed you heart. " napaisip ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako kay Khal at tumango siya sa akin bilang pagsang ayon. " I think that's a good idea, wala naman magtatanong, at maghihinala kay Lyka dahil babae siya at buntis pa. "
" Tatanawin kong malaking utang na loob sa inyong dalawa ang gagawin niyo para sa akin.. Ang gusto ko lang, kapag nakalabas siya ng ospital, makapag usap kami . Dahil sa higpit ng bantay niya sa ospital baka ilang metro pa lang ang layo ko sa parking lot ng ospital hindi na ako papasukin.. Ayoko namang ma stress siyang lalo dahil baka bumuka na naman ang sugat niya.. In the mean time, bibigyan ko siya ng panahon na gumaling.. at pagkalabas niya ng ospital.. hindi na ako makakapayag na mawala pa siya sa aking mga mata. " may mahinang tumapik sa aking kanang pisngi kasabay ng pagpisil sa kabila.. pagigil iyon.. hindi ko mapigilang mapa aray at mapa igtad dahil doon..
Narinig kong tumawa si Khal.. napangiwi ako ng maramdaman kong dumidiin ang kamay ni Cess sa aking mga pisngi.. naku po!! eto na naman kami.. " Ako ng bahala sa lahat.. at isa pa.. haisssst.. ang baho mo!! umuwi ka na. Magpahinga ka na, ipahinga mo ang isipan mo dahil magiging maaayos din ang lahat." nakangiting sabi niya sa akin ng bitawan niya ang aking mga pisngi na alam kong namumula.. Inabot ko ang kanyang magkabilang pisngi at inilapit ko ang aking mga labi sa kanyang noo..
" Thank you, Cess. Your an angel. " mahinang sabi ko. Narinig kong umungol si Khal at tiningnan ako ng masama.. tsssskk.. mag aapat na nga ang anak, hanggang ngayon seloso pa rin. Napailing ako..
Magiging maayos ang lahat..
Magiging maayos ang lahat..
Magiging maayos ang lahat..