Timmy's Point of View. "Tim. I like you." Agad na napamulat ang mga mata ko nang biglang pumasok sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng asawa ko kagabi. Hindi pa rin talaga maproseso sa utak ko na nakausap ko siya ng ganun katagal. Sobrang bait niya sa'kin kaso sobrang lungkot niya naman tingnan. Halos hindi ko na maintindihan ang mga kinukwento niya sa'kin dahil abala ako sa pagtitig sa nakakahulog bra't-panty niyang mukha. Hindi nakakasawang titigan. Minsan niya pa akong nahuling titig na titig sa kanya. Imbes na magalit siya ay nginitian niya na lang ako at pinagpatuloy ang pagkukwento niya ng kung ano-ano. Hindi ko alam sa sarili kung nakikinig ba ako o hindi. Di naman kasi ako good listener. Char! Pero masakit. Sa kabila ng saya na nakausap ko siya, nando'n yung sakit kapag iniis

