Timmy's Point of View. Magdidate na naman ba kami ni fafa Patrick kaya niya ako pinagbibihis? Why so fast naman ni kyah! Charot lang syempre. Eme eme lang tayo today, in short--- simplehan lang natin ang suot natin mga beks. Huwag masyadong magpacute kay fafa Patrick dahil hindi na kailangan. Like duh! Cute na ako ngayon kaya no need na. Bago pa mabagot siya sa kahihintay at baka magbago ang isip niya ay minadali ko na ang pagbibihis at kaagad na lumabas sa kwarto. Sakto naman na pagbukas ko ng pinto ay yun din ang pagluwa ng kaharap na pinto si fafa Klein. Yung tetee mga beks! Destiny na ba itey? Napasulyap siya sa'kin saglit. Oo! Panandaliang sulyap lang mga beks. Wala man lang pa-up to down na tingin ang asawa ko. 'Sulyap' lang talaga. Panandaliang kasiyahan in other words. At as exp

