TRD - 01

2104 Words
Timmy's Point of View. "This ain't a song for the broken-hearted No silent prayer for the faith-departed I ain't gonna be just a face in the crowd You're gonna hear my voice When I shout it out loud It's my life It's now or never I ain't gonna live forever I just want to live while I'm alive (It's my life) My heart is like an open highway Like Frankie said I did it my way I just want to live while I'm alive It's my life..."  Napatili ako ng abot hanggang kabilang bayan nang clinose-up sa screen ng tv ang pinakapoging nilalang sa buong mundo. Ang crush na crush kong si Klein na vocalist ng Nirvana Redux.  Siya ang taong papakasalan ko. Magkakaroon kami ng maraming anak. Magigi kaming isang masayang pamilya. Sasabihan ko siya ng 'i love you' kapag asawa ko na siya.  Syete pesos! Pwede na ata akong mamatay sa sobrang kilig. Ang pogi-pogi niya talaga ngumiti kahit kailan. Wala nang mas popogi pa sa kanya. Naku! Ang kokontra talaga ipapalibing ko ng buhay sa ilog Pasig. "Anakan mo ako fafa Klein!" wala akong humpay sa pagsigaw at pilit na inaabot siya sa screen.  May patalon-talon pa akong nalalaman. Wala akong pakialam kung mabulabog ko yung mga tao sa baba nitong apartment basta ako kinikilig, sila hindi. "Fafa Klein... Bakit ang pogi mo?" nawalan na ata ako ng tuluyan ng lakas nang mapaluhod na ako sa harap ng tv habang kagat-kagat ang tuwalya na kung nakakapagsalita sana ay kanina pa ito nagreklamo. Ano bang pake niyo? Hindi naman talaga 'to magsasalita kasi wala naman siyang bibig. Why is common sense is not so common? Bahala nga kayo dyan. "Thank you everyone!" boses ni fafa Klein nang matapos magperform ang banda nila. Nagtilian at nagsigawan ang mga tao sa astrodome. Syempre di ako nagpatalo 'no! Nakitili rin ako kahit sa tv lang ako nanunuod. Pabuntong-hininga akong napahiga sa maliit kong kama at pinagmasdan ang mumunting kisame ng tinitirahan kong apartment. Mag-iisang taon na rin pala akong nandito sa Maynila. Mas pinili ko na lang kasing tumigil sa pag-aaral at hindi na magpatuloy sa college. Ganun talaga, isasantabi mo muna ang mga pangarap mo dahil sa hirap ng buhay. Kaya napagdesisyunan kong tumulong na lang sa mga magulang ko at lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran dito. Kahit papa'no ay nakahanap naman ako agad ng trabaho kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Buwan-buwan akong nagpapadala ng pera kina papa at mama. Syempre nagtatabi rin ako ng para sa akin. Agad akong napabangon sa pakakahiga at tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang ipunan ko. Matamis akong napangiti nang masilayan ko ito. Kinuha ko ito at bumalik sa maliit kong kama. Para sa concert ni fafa Klein. Basa ko dito. Tama kayo ng basa mga beks! Matagal na akong nag-iipon para sa parating na concert ng banda nila. Ang matagal na matagal ko nang pinakahihintay ay sa wakas ay malapit nang matupad. Makikita ko na sila in personal.  Atleast, hindi na lang ako sa tv nanunuod.  Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nasa malapitan na sila. Siguro yayakapin ko sila isa-isa? Tatadtarin ng halik sa pisngi? Omo! Yun siguro ang gagawin ko?  Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang takip nito at tinapon lahat ng laman sa ibabaw ng kama. Isa-isa ko yung dinampot at binilang. After one minute... "One thousand five hundred..." After 15 minutes... "Three thousand seven hundred fifty-two." Malakas na lamang akong napabuntong-hininga dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos bilangin 'tong ipon ko para sa concert nila. Kayo kaya magbilang ng mga tigpipiso kung di kayo matagalan. Nasisira ang ganda ko dito eh. Ang totoo talaga niyan. Hindi pa man sinasabi noon kung kailan ang concert nila ay nagsimula na akong mag-ipon para kung kapag inannounce na yung exact date ng concert ng Nirvana Redux, may ipon na ako. Diba bongga?  Pero peste! Magiisang oras na ata akong nagbibilang dito? Hindi pa rin ako matapos-tapos. Paano pa kaya kapag binilang na ang mga 'to doon sa ticket booth. Wawarlahin talaga ako ng mga ibang nakapila. But, wala akong pake sa kanila. Basta ang sa akin lang ay mapanuod ko ang concert ng asawa ko. Mahal na mahal ko kaya si fafa Klein at mahal na mahal niya rin ako. Charot lang!  Matuloy na nga ang pagbibilang nito. Mamaya kulangin pa 'to pagdating doon. Mas maganda nang sure! Tsaka idodouble check ko pa 'to mamaya. Para sure na sure. After one hour... "Ten thousand two hundred seventy." Oh my God! Seriously? 10 thousand na ipon ko. So, it means? Muli ako napatili at napatalon-talon nang marealize ko na kompleto na ang ipon ko para sa concert ng asawa ko. Totoo na ba talaga 'to? Is it really true? As in true? Hindi ba ako nananaginip? "It's my life It's now or never I ain't gonna live forever I just want to live while I'm alive (It's my life) My heart is like an open highway Like Frankie said I did it my way I just want to live while I'm alive It's my life..."  One more thing! Kung tunay ka talaga na fan ng banda nila, dapat kabisado mo ang lahat ng kanta nila. Syempre hindi ko uurungan yan. Kahit anong kanta nila ang itanong niyo, knowings ko yan lahat. Kaya huwag na kayong magexpect na malalamangan niyo ako sa puso ni fafa Klein. Dahil ever, ako lang ang nasa puso niya. The only one! Excited na ako sa concert ng asawa ko! Sa ikalawang pagkakataon ay napatayo ako at tumingin sa kalendaryo. Daily routine ko na 'to sa araw-araw. Ang magbilang ng araw sa papalapit na concert ng asawa ko. Bakit ba kailangang paulit-ulit? Concert nga ng asawa ko! Kanina pa ako nagkikwento dito tungkol sa concert ng asawa ko. Yun lang naman ang topic natin. Concert ng asawa ko. Haist! So much for that. Kailangan ko nang mag-ayos para sa trabaho ko mamaya. Tungkol sa trabaho ko? Masasabi kong hindi naman kataasan ang sweldo hindi naman mababa. Sakto lang naman. Nababayaran ko naman ang upa. Napapadalhan ko naman ng pera ang pamilya ko sa probinsya buwan-buwan. At isa pa, nakakapagtabi naman ako ng pera para sa sarili ko. Nasa akto na sana ako ng pagbukas ng maliit na cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko nang may biglang may tumawag sa pangalan ko. Ito na naman tayo! Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa harap ng pinto. Kung makakatok kasi ng pinto yung nasa labas parang may balak atang gibain yun? Hindi na naawa.  "Tim!! Lumabas ka dyan!! Mag- dadalawang buwan ka nang hindi nakakabayad sa upa mo!!" ano nang gagawin ko? Halos araw-araw na lang atang naniningil ng upa si aling Martha. Si aling Martha ang may-ari ng apartment na 'to. Laging mainit ang ulo niyan lalong-lalo na kapag naniningil siya lalo wala kang naabot na bayad. Sa kabilang banda naman, mabait siya basta may pera ka. Okay ka sa kanya. Paborito ka niya basta may pambayad ka sa upa. Ganun lang yun! Nang makaapak ako sa lupa ng Maynila ay agad muna akong naghanap ng matutuluyan ko. Sa kasamaang palad dito ako napadpad. Matagal na din akong nagtitiis sa malamikropono niyang bibig sa tuwing naniningil siya ng upa sa mga borders niya. Rinig na rinig sa buong apartment na sobrang nakakaloka talaga. Yung katok niyang kasing lakas na ni hulk na halos ikasira na ng pinto ay hindi matatawaran. Oh diba? Bongga na! Pero kabaligtaran ang sitwasyon ko ngayon. Kakapadala ko pa lang ng pera kina mama. Wala na akong pera dito.  Napatingin ako sa nakakalat na pera sa munti kong kama at napasimangot. Ano ba ang mas matimbang? Ang bayad sa upa o ang concert ng asawa ko? Yiee!! Sayang naman kasi ang oppurtunity. Once in a lifetime lang ako makakanuod ng concert ng asawa ko. Isang beses lang. Paano na 'to? Tumikhim ako ng ilang beses at pumwesto sa bandang gilid ng pinto. Bago magsalita ay sinigurado ko munang iba ang boses ko at hindi niya ako makikilala. Sana gumana? "W-wala dito si Tim! Pumasok ng trabaho." napacrossed-finger pa ako habang nagsasalita. Hinihintay ang magiging sagot ni aling Martha. Ang hirap pa naman nitong lokohin. Kasing bilis ng takbo ng kabayo ang t***k ng puso ko nang matagal bago sumagot si aling Martha.  "Huwag mo akong pinagloloko! Walang kasama diyan ang malanding yun! Kung sino ka mang maligno ka, lumabas ka diyan sa lungga mo." yan na nga bang sinasabi ko. Aling Martha is hard to deceive. Kasing talas ni Albert Einstein ang utak niyan. Ano ba yan? Kung saan-saan na lang nakakarating ang utak ko.  "Sige! Pagbibigyan kita hanggang bukas. Kapag wala ka pa ring naabot sa akin, papalayasin na kita sa lugar ko! Nagkakaintindihan ba tayo?!" sumunod ay ang sunod-sunod na yabag ng paa niya papalayo ang narinig ko at naging tahimik na ang buong paligid. Napabuntong-hininga ako at napapatong sa pinto. Natanaw ko ang pera ko na nando'n pa rin sa kinalalagyan niya. Tinakbo ko yun agad at dali-daling inilagay sa garapon. Baka mamaya manakaw pa 'to sa akin at hindi matuloy yung concert ng asawa ko. Doble problema pa. "Ang cute mo talaga." kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Iwinasiwas ko ang hawak kong suklay sa harap ko at nginitian ang sarili.  Kakatapos ko pa lang magbihis para pumasok sa trabaho. Kanina napag-usapan natin ang suweldo ko. Ngayon naman pag-usapan naman natin ang trabaho ko. Nauna talaga yung suweldo! Isa akong waiter sa isang sikat na restau-bar dito sa Maynila. Umaalis ako ng apartment pagtuntong ng alas-singko ng hapon at uuwi ng alas-singko ng umaga. 24/7 itong nakabukas kaya naman ang schedule ng pasok ko ay night shift. In short, graveyard. Puyatan tayong lahat! Pero ayos lang naman yun. Pagdating din naman ng hatinggabi konti na lang namang ang customer kaya keribels lang.  Kinuha ko na ang bag ko at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sumilip ako sa labas upang siguruhin na walang aling Martha na umaaligid sa paligid. Sa palagay ko naman wala kasi hindi ko naririnig ang boses niya sa kung saan. Baka nagbebeauty rest ang loka. Pagkatapos ng masugid na pag-iimbestiga ay lumabas na ako at inilock ang pinto ng kwarto ko. Kailangan fully secured ang lungga ng ateng niyo para walang dagdag problema. Mas maganda na ang sure win para love wins. Lakad-takbo kong tinahak pababa ang daan papalabas ng apartment. Magaalis-singko imedya na kasi. Baka mamaya malate pa ako. Napatigil ako sa pagtakbo nang biglang may umakbay sa balikat ko. Napatingin ako dito at nandidiring itinulak ito papalayo sa akin. "Ano ba Fred!" di pa rin talaga nagbabago ang mokong na 'to. Manginginom pa rin hanggang ngayon. Di na talaga nagbago. Sinisira niya ang pagkagwapo niya.  Kung hindi niyo naitatanong, siya ang kaisa-isahang anak ni aling Martha na wala nang ginawa sa buhay kundi ang uminom araw-araw.  Masasabi kong pogi ang mokong na 'to pero sayang nga lang kasi lagi siyang lasing. Hindi niya inaalagaan ang sarili niya. Tsaka isa pa, hindi ko gusto ang amoy niya. Umaalingasaw ang amoy alak sa buong katawan niya. Di ko siya trip! "Saan punta mo babes?"  "Huwag mo nga akong matawag-tawag na babes. Kadiri ka! Tsaka isa pa! Hindi ba obvious sa suot ko? Papasok na ako sa trabaho ko kaya kung patuloy mo pa rin akong chichikahin diyan, baka ikaw pa ang maging dahilan para masisante ako." maglalakad na sana ako palayo nang hawakan niya ako sa braso at hilahin papalapit sa kanya. Oo! Yung literal na malapit sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa na sa maling galaw mo lang ay pwede ko na siyang mahalikan. FYI! Ang asawa ko lang ang pwedeng humalik sa akin wala nang iba.  "Ang hard mo namang magsalita babes." napatakip ako ng ilong nang maamoy ko ang umaalingasaw niyang hininga. "Di mo na ba ako mahal?" Walang pakundangan ko siyang itinulak at this time, tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad. Baka mamaya hilahin niya na naman ako at mahalikan ko na siyang tuluyan. "Wala man lang ba akong goodbye kiss diyan?" sigaw niya kahit hindi pa man ako nakakalayo sa kinatatayuan niya. "Kiss mo mukha mo." bago pa akong tuluyan mawala ay nakita ko pa siyang kumakaway sa'kin. Hindi ko na lang inintindi yun at mabilis nang tumakbo papasok sa naghihintay na jeep. Mabilis naman akong nakasakay sa jeep at mabilis ring nakarating sa pinagtatrabahuhan ko. Muntik pa ngang lumampas eh. Pero keri lang! Nandito na ako sa harap,hindi sa likod. Tiningala ang nakasulat sa itaas na bahagi ng restaurant. Ang pangalan ng restau-bar na pinagtatrabahuhan ko. Mousa Restaurant-Bar ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD