L O S E R Shawn's P.O.V. "Tsk." Sabi ni Julius at tahimik na lang na lumabas. "Shawn.." tawag sa akin ni Shanice at naglakad papunta sa harapan ko. "A-ano?" Mahina kong sabi sa kanya. "Pumapayag kana? Totoo ba yung sinabi mo? Ako prom date mo?" Masaya nyang tanong sa akin. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sht. Ano ba tong ginawa ko? "Thank you!" Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. "Thank you, Shawn." • • • Nakahiga na ako ngayon sa kama at nakatingin sa kisame. Sobrang dilim dahil hindi ko na binuksan ang ilaw. Tinignan ko ang oras at 3:30 A.M. na. Hindi parin ako makapaniwala na sasali ako sa darating na prom next next week. Wala na din akong ibang nagawa kundi ang sumali dahil kukulitin lang ni Julius si Shanice. Kanina ko pa din iniisip yung s

