LOSER Shawn's P.O.V. "Woah. Ang sarap talaga ng avocado shake!" Sabi nya habang umiinom ng avocado shake na binili namin dito sa food stall sa campus. "By the way, I'm Jane Santos and.. you are?" Tanong nya sa akin at nilahad ang kamay. "Shawn. Shawn Ramirez." Maikli kong sabi at pinagmasdan lang ang kamay nya. "Sungit." Rinig kong bulong nya. Madaming estudyante rin dito sa campus at mga mukhang gutom sila dahil halos lahat ng pagkain ay binibili nila. Mukhang masarap din naman kasi. May mga corn dog, strawberry crepe, at iba pang snacks. "Gusto ko ng corn dog, pwede ba tayo pumunta don?" Tanong nya sa akin at tinuro ang food stall ng corn dog sa gilid. Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Sinamahan ko sya bumili ng corn dog at pinagmasdan ko sya. Para syang bata. "Tha

