L O S E R Shawn's P.O.V Nasa gymnasium na ako at medyo madami na ang tao dito. Wala pa si Shanice kaya si Timmy at Amy ang kasama ko ngayon. Nakasuot ng dark blue suit si Timmy habang nakababa ang mahaba at itim na buhok. Si Amy naman ay nakasuot ng dark blue na Gown na may mga glitters at nakataas ang buhok nito. Buti na lang at inaya nila ako sa table nila dahil magmumukha lang akong tanga kung solo ko ang table na pang apat na tao. "Ang tagal naman ni Shanice. 30 minutes na lang at magi-start na ang prom night," Rinig kong sabi ni Timmy habang nakatingin sa kanyang suot-suot na relo. "Siguro nagpapaganda pa si ate Shanice para kay Kuya Shawn." Nakangiti na sabi ni Amy at tumingin sa'kin ang dalawa na may halong pang-aasar. Napaubo lang ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kun

