L O S E R Shawn's P.O.V. "Hey guys! Binigyan tayo ngayon ng free time para simulan na magdecorate dito sa room." Sabi ni Timmy pagkapasok nito sa classroom. "Here are the materials. Required tumulong ang lahat." Sabi ni Shanice at nilabas ang mga materials na nakalagay sa malaking plastic na gagamitin namin. Pinausog naman ang mga upuan sa gilid para malaki ang space sa gitna. Nagdodrawing na yung iba at naggugupit. Nakaupo lang ako at pinagmamasdan sila. "Bakit hindi ka tumulong?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. "Hindi nyo naman kailangan ang tulong ko." Sagot ko sa kanya. "Here." Inabot sa akin ni Shance ang gunting at isang balot ng colored paper. "Tulungan mo ako gumupit ng mga dahon." Sabi nya at tumabi sa akin. Kinuha ko ang gunting at kumuha ako ng green na colore

