L O S E R Shawn's P.O.V. Agad akong napaatras at tumama ang likuran ko sa matigas na cabinet. Pamilyar ang mga sapatos na 'yon. Kung hindi ako nagkakamali.. sapatos iyon ng taong kumitil sa buhay ng aking Ina. Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin sa aking paahan. Kung sya nga ang pumatay kay mama, sya din ang dahilan bakit nakikita ko ang aura ng mga tao. Kailangan ko sya harapin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kabilang side ng kama. "Kuya Shawn!" Agad na lumapit sa akin si Arjay at niyakap ako. Wala na sya. Saan sya nagpunta? Pero.. bakit sya nagpunta dito? Ano ang pakay nya? • • • "Salamat, Shawn." Sabi ni Papa habang buhat-buhat si Arjay at pinasok sa kotse. "Eto pa ung bag nya." Sabi ko at inabot sa kanya ung Bag. Pagkalagay nya ng mga gamit sa loob ng sas

