L O S E R Shawn's POV Agad akong tumakbo papalabas ng classroom. Narinig ko ang tawag sa akin ni Shanice ngunit hindi ko ito pinansin. Agad akong umakyat patungo sa rooftop. 6th floor ang classroom namin at rooftop na ang taas nito. "Tulong." Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Lorraine. Hindi sya tumalon mag-isa. Dahil gulo gulo ang damit nya at humingi pa sya ng tulong sa akin. Pakiramam ko ay may nagtulak sa kanya. Pagkabukas ko ng pinto dito sa rooftop ay agad kong naramdaman ang malamig at malakas na simoy ng hangin. Nagtungo ako sa lugar kung saan sya nahulog. Tinignan ko ang bangkay nya sa sahig. Malakas talaga ang kutob ko na mayroong may galit sa kanya. Naalala ko ang papel na nakita ko noon sa classroom na may pangalan nya at naka-ekis ito. Agad akong lumingon ng may

