L O S E R Shawn's P.O.V. "Ah, about kay Hanny." Sabi ni Timmy kay Shanice na umupo sa tabi ko. "Anong meron kay Hanny?" Tanong ni Shanice dito habang umiinom ng milkshake nya. "Narinig kong nag-uusap ang principal at magulang ni Hanny kanina. Nawawala daw si Hanny." Seryosong sabi ni Timmy. "Hindi ba pinuntahan mo si Hanny nung nakaraan? Pina-check sya sa'yo ni Ms. Bella." Tanong ko kay Shanice. Natigil naman sya sa pag-inom ng milkshake nya at napakunot ang noo. "Nakalimutan ko pala sabihin sa inyo. Kay Ms. Bella ko lang nasabi. Nung nagpunta kasi ako sa bahay nila Hanny non ay walang tao kaya hindi ko na-check or nakausap si Hanny." Paliwanag nito. "Ganon ba? Nasan kaya si Hanny.." Mahinang sabi ni Timmy habang nakahalumbaba at kumakain ng tinapay. Napatingin naman ako sa

