Muntik na akong mapatili nang makitang may katawan na nakahiga sa aking kama. Bagsak akong humiga roon at nakarinig na lang ako ng ungol mula doon. Bigla itong bumangon at tinanggal ang kumot na nakatakip rito at tinakpan niya ang aking bibig. Bilog na bilog ang aking mga mata nang makita ko si Kuya Summit at sinenyasan niya ako na huwag maingay. Tumango lang naman ako at tinanggal na niya ang kanyang kamay. Kinuha ko naman ang isang unan ko at pinalo-palo siya nito! Hinarangan niya naman ito ng kanyang kamay at tumigil lang ako nang mapagod ako. Tahimik naman siyang tumawa at lalo pa akong nainis sa kanya. “Ano bang ginagawa mo rito? Akala ko ba may inaasikaso kang trabaho!” inis kong sabi sa kanya. “How did you even get here?” napakamot siya sa kanyang ulo at humiga na naman siya sa k

