Isang summer dress ang sinuot ko para sa romantic dinner namin ni Elijah ng gabing ‘yon. long sleeve siya para matakpan yo’ng mga scars ko sa aking mga braso. Baka kasi pag makita ng mga tao sa restaurant baka mawalan pa sila ng ganang kumain. Kanina nga nang dumating kami kitang-kita ko ang nandidiring tingin ng nasa front desk pero kung lumandi naman sa asawa ko, wagas. Kaya habang hindi nakatingin si Elijah, sinabi ko kung sino ako at namutla ang bwisit na babae. Mabuti nga at hindi ko siya tinanggal sa trabaho, dahil isang tawag ko lang sa aking ama, tanggal na siya agad. Kung ganyan ang ugali niya sa akin, paano pa sa mga taong may disabilities, that’s why I told her off. Napatingin ako sa aking husband na nakatitig sa akin at matamis akong ngumiti sa kanya. Tumayo siya mula sa couc

