Iniwan na ako ni Mama matapos kaming makapag-usapa at sinabi niya na magpahinga na muna ako. Yes, I needed a rest from all of that at hindi ko inaasahan na mauungkat ulit ang traumatic experience na ‘yon na pilit ko ng kinalimutan. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Shiloh ang tungkol sa lalakeng ‘yon. Dalawa lang kami ni Milly na nakakaalam nito, unless sinabi ng kaibigan ko. Matagal na rin kasi nito akong kino-convince na sabihin ang lahat sa mga kapatid ko, ayoko lang talaga dahil nga magkakagulo. Tignan mo ngayon, may sinaktan si Shiloh, muntik na siyang ma-expel sa university at pwede pa siyang kasuhan. This turn out to be a chaotic day at alam na rin ng mga kapatid ko na muntik na akong mapagsamantalahan. Ano kayang iniisip nila ngayon? Are they disgusted with me already? Nanatili

