“She’s going to be okay…” sabi ko kay Mrs. Kaiser habang mahimbing ng natutulog si Sidra at hawak ko siya. Hinaplos ko ang kanyang ulo at bahagya akong napangiti nang dumikit pa siya sa akin. “Masyado siyang na-stress sa mga nalaman niya. Pasensya na, Mrs. Kaiser sa nagawa ko. Gusto ko lang naman na mapabuti siya. You know that I love her.” seryoso kong sabi sa kanya. Malakas naman siyang bumuntong hininga at tumango. “Alam ko, hijo, but you should have told us… No’ng dumalaw ba ako sa’yo sa ospital, was she there?” tumango rin ako. “Is Tariq Faizan her real father?” “Yes… Nagsagawa kami ng DNA test. When he found out na magkapareho sila ng rare blood type agad siyang nag-request nito and it was positive. Matagal na niyang hinahanap niya ang kanyang anak. We should go back and talk at

