“So, Ikaw pala ang kapatid ni Shiloh…” napatigil sa pag-uusapa si Aisha at ang kanyang kaibigan nang bigla na lang may sumingit na isang grupo ng mga babae na laging kasama ni Shiloh at ang mga barkada nitong lalake. Bahagya lang naman akong ngumiti rito at nag-hello pa. Matamis itong ngumiti na may pagkairita at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman ako sa kanyang tingin at tinignan ko ang aking sarili. I was wearing square pants at white top na may square neckline. Mababa ito ng konti kaya kita ang cleavage ko ng konti. Nakaupo kami sa isang bench sa labas ng university building at bigla na lang nanunugod ang mga ito. What’s her problem anyway at ganyan siya makatingin? “You’re Aisha?” tanong niya at tumango ako. “Really?” “Yeah, Aisha Kaiser, may kailangan ka ba?

