Sinalubong namin ang mga kapatid ni Shiloh nang mag-park ang kanilang sasakyan sa harapan ng bahay. Nakahawak ako sa braso ni Shiloh na may ngiti sa aking mukha. Lumabas din ang aking ama para tignan din sila tapos ay aalis ulit siya para sa isang business meeting sa kanyang resort. Bumukas ang mga pintuan ng sasakyan at isa-isang bumaba ang magkakapatid na Kaiser. Bahagya akong nagulat nang makita ko ang kanilang ina na bumaba rin at matamis siyang ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at masaya ako dahil nandito siya. Akala ko kasi galit din siya sa akin simula nang malaman nila na nabuntis ako ng kanilang mga anak. Una siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. “It’s nice to see you again, hija.” tuwa niyang sabi tapos ay binati niya rin ang aking ama. “Pasensya na kung wala akon

