Pagsapit ng hapon binalikan ko si Nate sa school. Mukhang dissapointed ito ng malaman niyang hindi na dumaan si Sir James nakasimangkot ang mukha nito hanggang sa pagdating ng bahay. Nakita ko si Gen na nag iimpake. "Ate, aalis na ako. Ikaw na bahala kay Nate. Wala kang makakasama rito" sabi nito habang nag aayos ng gamit niya. "Ano pa nga ba, kelan balik mo ulit?" tanong ko rito. "Hmm. Hindi ko pa alam pero pag may time ako kahit 3days balik ako rito" wika nito. "Sige, ikaw ang bahala. Bukas naman itong bahay para sayo". nakangiting sabi ko rito. "Tita, aalis kana?" tanong mula sa likiran ko "Yup, pakabait ka rito." sabi ni Gen habang ginugulo ang buhok nito. "Wag mo kalimutan ang ipapasalubong mo sa akin ha" narinig ko at napatawa ng may malakas si Gen. Napangiti rin ako sa i

