6

1698 Words
“Okay ka lang?” Narinig kong biglang tanong no’ng Craig. Kita ko siya mula sa kinatatayuan ko. At ang babae naman ay ang likod na ang nakikita ko. Naka-uniform ‘yon ng pang-saleslady dito sa department store namin. “Ahh.. Oo… Salamat at nasalo mo ko.” Malinaw ang narinig ko sa dalawa. Agad akong nagtago bago pa man mapatingin ang Craig na ‘yon dito sa kinatatayuan ko. Judging from what I heard, mukhang nahilo lang ang babae at malamang nasa saktong lugar ang lalaki kaya sinalo ang saleslady. Baka may dalang stock ang Craig na ‘yon para mag-refill ng mga items sa aisle na ‘yon na puro women’s jeans. Napapailing ako habang kakaiba ang pakiramdam ko. Huminga muna ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit parang nasu-suffocate ako. Wala lang ito! Siguro ay dahil ito sa nangyari pa rin kahapon. Isang inhale at exhale pa ang ginawa ko bago na-relax ang muscles ko. Ilang sandali pa ay biglang may dumating na saleslady. Napaawang ang bibig ko at ‘yon yata ang saleslady na halos yakap na no’ng Craig kanina. Nakatalikod ‘yon pero sure ako dahil sa bulto ng babae at nakalugay ang mahabang buhok nito kagaya ng nakita ko kanina. Nagtama ang mata namin ng babae. Sobrang pretty niya. Parang nasa mid twenties ang edad. Matangkad kagaya ko. Parang kulang na lang ay mapunit ang bibig ng babae dahil sa lapad ng ngiti nito. At sa itsura niya ay alam kong kilig ang nararamdaman niya. Agad akong nag-iwas ng tingin at hinawakan ang nakita kong damit at kunwari ay namimili. “Good afternoon, Ma’am… Ano pong hanap nila?” Biglang sabi ng saleslady kaya napilitan akong lingonin siya at ngitian. Ngumiti lang ang saleslady, pero halatang hindi talaga ako ang laman ng isip niya. Parang lutang, parang may iniisip na ibang bagay at hindi ko kailangang hulaan kung sino. Habang nagsasalita siya tungkol sa bagong delivery ng mga dress at kung anong kulay daw ang patok ngayon ay napansin kong panay lingon niya sa direksyong pinanggalingan niya kanina. Malamang ay doon sa kabilang aisle kung saan magkasama sila ni Craig kanina. Well, ano pa nga ang expect ko? Ako nga na malayo pa ang distansya do’n sa lalaking ‘yon kahapon at natulala na ako sa lakas ng sxx appeal no’n. Ito pa kayang saleslady na ‘to na nakahawakan pa ang beywang niya. Tapos pinuluputan naman niya ng kamay. “Bagay sa inyo itong light blue na ‘to, Ma’am,” aniya sabay abot ng isang simpleng dress na nakasabit sa rack. Ngumiti ako nang tipid at kinuha iyon, pero hindi ko rin alam kung bakit ko tinanggap. Para lang may magawa siguro habang nilalabanan ko ang hindi ko maipaliwanag na overthinking. “Thanks, Miss. Pag-iisipan ko muna kung babalikan ko ito. Iwan mo muna ako please.” sambit ko. “Sure po, Ma’am. Nandito lang ako kung kailangan ninyo.” At tuluyan nang umalis ang saleslady na para bang lumilipad pa rin ang isip nito. Napatingin na lang ako sa likod nito. Ngayon ay kita ko kung gaano ito ka-sexy. Super sexy at parang ka-level ko sa ka-sexyhan ang likod. Malaki din ang butt nito at makurba ang katawan. Hapit kasi dito ang uniform nito. Napailing na lang ako kung bakit pinag-aaksayahan ko ng oras na isipin pa ang nangyari kanina. Hindi na ako nagtagal. Baka kasi ‘yung Craig naman ang mapadpad dito at matandaan ako. Alam kong kahapon ay nakita ako nito at ayoko nang maulit pa ‘yon ngayon. Ibinaba ko ang hawak kong dress at lumakad palayo hanggang makarating ako sa may entrance ng department store kung saan ako iniwan ni Ate Krista. Parang nabo-boring ako na hindi ko maintindihan. Parang ayoko nang tumuloy pa sa bodega. Ilang sandali ako na naghintay doon hanggang sa mamataan ko si Ate Krista na paparating at nagulat na doon ako sa may entrance nakatayo. “Bea, bakit nandito ka?” nagtatakang tanong ni Ate Krista. Ngumiti ako nang tipid. “Ah, Ate, naisip ko kasi na sa ibang araw na lang uli tayo mag-session?” Sagot ko na hindi na nagbigay pa ng dahilan kung bakit. Tumango si Ate Krista at hindi na rin nagtanong pa. Wala rin naman siyang reason na magtanong dahil nakadepende pa rin naman sa oras ko ang masusunod kung gusto kong magtagal o maagang umuwi. “Thank you po, Ate. Babawi na lang ako sa susunod.” “No problem. Ingat ka pauwi, ha? Hindi na kita mahahatid dahil may issue pa kasi doon sa supermarket. Mabuti na rin siguro na bukas na nga lang natin ituloy.” Tumango ako. “Yes, Ate Krista. I’ll see you tomorrow.” Lumakad na ako palabas ng mall, at habang nasa escalator ay napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa desisyong umuwi. Parang feeling pagod lang kahit sobrang gaan naman ng trabaho. Pagdating ko sa parking area, nandoon na si Mang Leo na nakasandal sa kotse. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto. “Maaga tayo ngayon, Senyorita,” nakangiting sabi niya. “Yes, Ma’am Leo. Para maaga tayong makapahinga,” mahina kong tugon bago ako sumakay. Habang umaandar kami palabas ng mall ay hindi ko maiwasang sulyapan ang gusali sa labas ng bintana. Wala lang ‘yon, Bea… huwag mo nang isipin. >>>> Dalawang magkasunod na araw akong nag-stay sa bahay. Hindi na ako bumalik ng mall. No’ng isang araw ay kinontak ako ni Ate Krista at nagpalusot na lang ako na masama ang pakiramdam ko. Sinabi kong sumakit ang ulo ko kaya magpapahinga na lang ako. Kahapon naman ay hindi na tumawag si Ate Krista at understood na siguro na tinamad talaga ako. Nasa veranda ako ngayon at may hawak na kape habang nakatanaw sa malawak naming garden. Tahimik ang paligid. Kapag ganitong tahimik ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Di Daddy, ang pag-aaral ko, pati ang pagba-bar ko in the future at pag-aasawa na rin. Pero sa dinami dami ng iniisip ko ay may pagkakataon pa rin na bigla kong naiisip ang lalaking hindi naman dapat pumapasok na sa isip ko. Craig. Nakakatawa naman. Bakit ko ba pinoproblema ang isang lalaking halos hindi ko kilala? Ni apelyido nga no’n ay hindi ko alam. Tsaka may anak na. At hindi ko nga alam baka may mga pinopormahan ‘yon babae. Kagaya ng saleslady kahapon na saksakan ng ganda. Nang araw na ‘yon ay ginawa kong busy ang sariliko sa pagbabasa ng mga law books na dala ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Parang feeling ko ay kinulang ako sa tulog kahit dalawang araw na akong nagpapahinga. Pero sabi ko sa sarili ko ay hindi naman ako pwedeng magmukmok lang sa bahay. Kailangan kong bumalik sa mall at ipakita kay Ate Krista na seryoso ako sa training ko. Mahirap na at baka tawagan ni Daddy si Ate Krista at ayoko naman na pagtakpan na lang ako ni Ate na hindi na nagpupunta doon. Pero duda rin ako kung tatawag pa si Daddy sa akin. Mukhang sobrang busy nito sa Maynila at ilang araw na akong hindi man lang tinatawagan. Matapos ang mabilis na almusal ay nagbihis na ako ng smart casual outfit. Blouse at slacks na hindi halatang isa akong trainee pero presentable pa rin. Pagdating ko sa mall ay sinalubong ako ng mga guard na agad akong nakilala dahil ako ang kasama ni Ate Krista. Sinabihan na rin kasi ni Ate Krista ang mga guard na papasukin ako kapag dumadating ako. Isang ngiti lang ang iginanti ko at dumiretso na ako sa opisina ni Ate Krista. Kumatok muna ako sa office ni Ate. Hinintay kong papasukin ako pero wala naman akong narinig na tugon mula sa loob. Pinihit ko na lang ang doorknob at sumilip. Nakita naman ako ni Ate Krista at agad na sumenyas na pumasok ako. May dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng table niya at nakatalikod. Pero obviously na mga pulis ‘yon dahil sa uniform na suot. Kumunot ang noo ko at nagtataka. Pero tuluyan akong pumasok sa loob. “Ah, Bea! Buti at nandiyan ka na,” bati ni Ate Krista, pilit ang ngiti pero halatang may tensyon sa paligid. “Upo ka muna diyan.” Tumango ako at naupo sa maliit na couch sa gilid ng office habang patuloy ang usapan ng tatlo. Tahimik akong nakikinig. “Ma’am Krista,” sabi ng isa sa mga pulis, “’Maiwan na po namin kayo, Madam. At kapag may impormasyon po kayo ay pwede niyo naman pong ipaalam sa pulisya.” Narinig kong sabi ng isang pulis. Tumango tango si Ate Krista. Ilang sandali ay tuluyan nang nagpaalam ang mga pulis. Agad akong lumapit sa table ni Ate Krista. “M-may nangyari ba, Ate?” Kunot noong tanong ko matapos umupo sa swivel chair na nasa tapat ng table niya. Nagbuntong hininga ng malalim si Ate Krista. “Naku, Bea… Mukhang may gumagalang serial killer talaga. Hindi pa nga naso-solve ang issue doon sa mga nawawalang magaganda at sexy na babae sa kabilang bayan ay dito naman ngayon.” Napaawang naman ang bibig ko. “What do you mean, Ate Kris?” “Natandaan mo ba ‘yung kwento ko na may nawawalang cashier dito sa mall. Ngayon naman ay isang saleslady ang nawawala.” Nanlaki ang mata ko sa takot. “Ayon po sa mga pulis hindi na umuwi ‘yung babae pagkatapos ng shift. Hindi makumpirma kung sino ang huling kasama.” Binuksan ni Ate Krista ang folder na nasa table niya at pinakita sa akin ang isang litrato ng babae na galing daw sa pulis At doon, parang biglang huminto ang t***k ng puso ko. Siya ‘yon! Siya ang saleslady na nakita kong halos yakap ni Craig sa department store! Bigla nakaramdam ako ng kilabot. Biglang nag-flashback ang sinabi ni Ate Krista. Nang nakaraang buwan nawawala ang cashier at nabanggit ni Ate Krista kahapon na mahigit isang buwan pa lang sa trabaho ang Craig na ‘yon. At ito ang huling tao na nakita na kasama ng cashier. Napahawak ako sa dibdib ko. Is it possible that he is a serial killer?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD