Beatrice Manuel “Senyorita, Bea… Nandito na po tayo.” Bigla akong tila nagising nang marinig ang malakas na boses ni Mang Leo. Dilat na dilat ang mga mata ko pero para akong tulog na hindi na namalayan na nakarating na pala ako sa destination ko. At parang ilang tawag na sa akin si Mang Leo kaya nilakasan na niya ang boses niya para lang kunin ang atensyon ko. “Salamat, Mang Leo.” Nahihiyang sabi ko na pilit na ngumingiti. Nahuli niya akong tulala. “Sige po, Senyorita.” Bumaba na ako ng kotse ko. Doon ako dumeretso sa office kong nasa warehouse. Panay ang bati sa akin ng good morning ng mga nadadaanan ko. Partikular ang mga kargador at merchandisers na tila nakaabang sa pagdaan ko. “Good morning, Ma’am Bea.” Sabi ng isa sa non-food merchandise na may dala pang trolley at mukhang pap

