Beatrice Manuel
“Sabagay, ganyan kayong mayayaman. Akala niyo, lahat kayang bilhin ng pera!” Dagdag na sabi pa ng lalaki.
Napipi ako. Bakit parang may bubog siya?
Sanay ako sa mga debate sa klase, pero ngayon? Parang wala akong maisip na sagot. Hindi dahil sa wala siyang punto, kundi dahil masyadong diretso ang tingin niya sa akin. Nakakatunaw.
Parang feeling ko ay bibigay ang tuhod ko. Huminga ako nang malalim at naglakad pa ng ilang hakbang. Mas parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Para akong napapaso na hindi ko maintindihan. Sa ginawa ko ay mas nagiging malinaw ang mukha niya. Mas nakikita ko kung gaano siya kagwapo.
My God!
Ang lakas ng appeal niya. Pero kailangan kong maging composed. Ayokong isipin ng lalaking ‘to na kinakabahan ako.
“Hindi ko sinasabi na mababayaran ang lahat. I just want…” Sandali akong natahimik. “natural lang na tumulong kami kung nasaktan.”
Bahagya siyang natahimik. Tumingin siya sa sugat sa braso bago muling dumiretso ang tingin niya sa akin.
“Okay lang ako, Miss,” mahinahon nang sagot ng lalaki. “Sanay na ako sa gasgas.”
Nagtagal ang titigan namin. Para bang may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi ko mawari.
Hanggang sa napansin ko na lang na nililibot na ng lalaki nang tingin ang mukha ko. Hindi naman sobrang lapit ng pagitan namin to the point na wala nang space ang pagitan namin. Sa totoo lang ay mga tatlong hakbang pa nga ang pagitan namin. Pero feeling ko ay hindi na ako makahinga sa distansya namin.
Ako na ang nag-iwas ng tingin at binaling sa driver ko ang tingin.
“Mang Leo…” mahina kong sambit at pilit na pinuputol ang tensyon.
“Sayang ang oras ko.” sambit ng lalaki kaya binaling ko muli ang tingin sa kanya. Pero mabilis na tumalikod ang lalaki matapos akong tapunan ng tingin at humakbang na.
Hindi ko tuloy napigilang tawagin siya. “Wait!”
Huminto siya at bahagyang lumingon.
At doon ay naramdam ko ang kabog sa dibdib ko. Parang konti na lang ay hihiwalay na sa ribcage ko ang puso ko na parang tatakas mula sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kung bakit ko pa ‘yon ginawa. Dapat ay hayaan ko na lang siya, eh.
“A-ano’ng pangalan mo?” Kusang lumabas sa bibig ko.
Hindi naman nagsalita ang lalaki. Tinitigan niya ako nang matagal at diretso. Parang may nakita pa akong pagtataka sa mata niya dahil sa pagkunot ng noo niya ng bahagya. Pero hindi siya sumagot. Sa halip walang salita at tuluyan na niya akong tinalikuran nang walang kahit anong demand man lang mula sa amin dahil muntik na namin siyang mabangga.
Napako ako sa kinatatayuan ko at napahawak saang dibdib kong mabilis ang pintig.
“Senyorita…” Narinig ko ang maingat na boses ni Mang Leo sa tabi ko. “Tara na po. Hayaan mo na lang ‘yong lalaki kung ayaw ng tulong. Baka ma-late pa kayo sa pupuntahan ninyo.”
Doon lang ako napatingin muli kay Mang Leo at tumango at muling binaling ang mata ko sa direksyon ng nilalakaran ng lalaki.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na kakaibang t***k ng puso ko hanggang ngayon. Parang na-magnet ang tingin ko sa lalaki kanina. Sobrang gwapo kasi at lakas ng appeal.
Tumalikod na uli ako papunta sa may pinto ng driver’s seat. Habang si Mang Leo ay tinitingnan ang hood at harapan ng sasakyan.
Pagkapasok ko sa sakyan ay ilang inhale at exhale ang ginawa ko para ma-relax. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ng lalaki kanina. Sa tingin ko at nasa early thirties na ’yon.
Hanggang sa pmasok na si Mang Leo sa loob ng sasakyan at binuksan ang makina ng sasakyan. Doon ko na lang pinilit tanggalin ang mukha ng lalaki sa isip ko. For sure ay hindi na namin makikita ‘yon. Sa laki ba naman nitong probinsya na ‘to.
Pero nag-alala pa rin ako sa sugat no’n sa braso. Kaya lang, wala, eh. Ayaw niya ng tulong mula sa amin.
Matao na sa lugar kung saan kami nakabangga kanina. Mabuti na lang ay hindi kami nag-create ng traffic.
Hanggang nakarating na kami sa mall na pag-aari namin. Isa sa kamag-anak ni Daddy ang nagpapatakbo na nito ngayon. Ang pinsan ko.
Napangiti agad ako nang masilayan ang isa sa business namin na matagal ko nang hindi nakikita. Makakapamili rin ako ng mga dress na gagamitin ko sa stay ko dito sa probinsya.
Hanggang sa makapasok na ako sa mall at dumeretso sa Mall manager’s office.
Kumatok muna ako at saka pinihit ang door knob nang marinig ang boses mula sa loob na pinapapasok na ako.
“Bea!? Diyos ko, sobrang ganda mo lalo!” Gulat na bulalas sa akin ni Ate Krista. Ang pinsan ko.
Naapatayo agad siya sa swivel chair niya at nagmamadali akong sinalubong ng yakap.
Nagkatawanan kami ni Ate Krista habang nagyakapan. Ang lambing ng pinsan ko. Kahit dati pa ay gano’n talaga siya. Hindi siya nagbabago kahit ilang taon kaming hindi nagkikita. Wala kasi siyang sister kaya parang ako na ang baby sister niya. At ako naman ay walang kapatid kaya siya na rin ang parang Ate ko.
Huling kita namin ay mahigit dalawang taon na rin. Naka-attend pa siya sa 18th birthday ko at ‘yon na ang huling beses ko na nakita siya. She’s 30 years old aready at may pamilya na rin. Dito na namamalagi at ilang taon na rin siyang nagma-manage ng mall namin.
Mabuti nga at pumayag si Ate Krista nang nag-offer si Daddy sa kanya about sa pag-manage sa mall. Kasi mas gugustuhin ni Daddy na kamag-anak ang hahawak nito. Importante itong business niya na ‘to kaya ayaw pang bitawan dahil originally ay idea ito ni Mommy.
“Uy, grabe ka! Mas lalo kang gumanda, Bea,” muling puri ni Ate Krista sabay hawak sa braso ko. “Parang hindi ka stress sa law school. Siguro dahil alagang-alaga ka ni Tito.”
Napangiti ako ng mapait. Hindi ko alam kung alam na ng mga kamag-anak ko dito na may girlfriend na si Daddy.
“Naku, Ate, kung alam mo lang. Sa dami ng case studies at readings ko, halos hindi na ako natutulog. Buti na lang, nakahinga rin ako rito kahit konti.” Ang sinabi ko na lang.
Tumawa siya at tumango. “Well, at least nandito ka na. Dito sa probinsya, kahit maraming trabaho, hindi kasing gulo ng Maynila. Kaya magugustuhan mo rin dito. Alam mo naman ‘yon di ba?”
Medyo nagseryoso ang tingin niya at nagdagdag pa. Siguro ay dahil sa pagkakasabi niya ay tila babalik na naman ang memories ni Mommy nang madalas pa akong nagagawi dito sa probinsya na ‘to
“Tsaka si Tito… alam mo na. Siguradong gusto niyang makita mong maayos ang lahat ng Mall business dito. Ayaw niyang may pumalpak.” Biglang segway niya para ma-divert ang usapan at hindi mapunta sa mommy ko dahil alam niya naman kung gaano kasakit sa akin ang pagkamatay ni Mommy.
Huminga ako nang malalim. Sanay na ako na lagi akong may inaasahang responsibilidad. Kahit na gusto ko lang minsan mag-relax, hindi mawawala ang pressure mula kay Daddy.
“Yeah, alam ko,” sagot ko habang pinipilit ngumiti. “Kaya kailangan kong makita lahat ng facility dito, Ate Krista. Para na rin in the future, marami na akong ideas. I’m sure this Mall is well managed, ikaw ba naman ang namamahala dito. At siyempre, makapagpahinga rin kahit papaano dito sa probinsya.”
“Good,” sambit ni Ate Krista. “At least dito, fresh ang hangin. Tsaka mas safe kesa sa city. Pero…” saglit siyang tumigil bago muling nagsalita, “huwag ka ring masyadong kampante. May ilang incident din kasi ng nawawalang babae dito, hah.”
“Nawawala?”
“Yup. I don’t know. Sa kabilang bayan kasi ay may tatlong babae na nawawala at hindi na yata natagpuan hanggang ngayon. No’ng nakaraang buwan ko pa nabalitaan ‘yon sa asawa ko. Kaduda duda raw ang pagkawala, eh. Hanggang ngayon sa investigation ay hindi pa nakikita. Kahit bangkay kung sakaling mga patay na ay hindi pa nakikita.”
Bigla naman akong kinilabutan sa narinig.
“Hala!” Bulalas ko.
“Dito naman… may isang cashier na nawawala no’ng nakaraang buwan pa. Hindi na nakita. Pero ewan lang. Kasi ang tsismis ay may secret boyfriend raw. Baka daw sumama sa boyfriend. Kawawa nga ‘yong pamilya no’n. Nakailang balik dito para lang magtanong tanong sa ilang empleyado natin.” Dagdag pa ni Ate Krista.
Napatango naman ako.
“I get it, Ate. Don’t worry, I’ll be careful.”
Ngumiti ai Ate Krista. “Yes. Kasi ang balita ko sobrang se-sexy at ganda ng mga nawawala. Pati ‘yung cashier sa supermarket dito na nawawala. Grabe ang ganda no’n. Pero ‘wag ka masyado mag-worry, kasi baka nga totoo ang tsismis na sumama lang sa boyfriend. Hindi naman siguro kagaya ng case sa ibang bayan.”
“Okay, Ate. Anyway, ayoko pala na malaman ng lahat na anak ako ni Daddy na may-ari ng mall na ito. Pwede ba na ipakilala mo na lang akong OJT or trainee.?”
Tumango si Ate Krista.
“Sure. Mas safe na rin ang ganon. Anyway! May mga bagong koleksyon dito sa mall. Dapat makita mo. I’m sure magugustuhan mo.”
Napangiti ako nang malaki. “Talaga, Ate? Nakaka-excite naman. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapamili ng maayos.” Nitong nag-shopping ako ng mga gamit na dadalhin dito ay mabilisan lang, eh.
Lumabas kami ng opisina at agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng aircon sa hallway. Habang naglalakad kami papunta sa boutique area ng mall, ramdam ko ang mga tingin ng mga saleslady sa paligid. Sanay na akong pinagtinginan kaya medyo dedma lang.
“Sanayan lang ‘yan, Bea,” sabi ni Ate Krista habang nakangiti. “Ganyan talaga kapag may magandang mukha silang nakikita.”
Lumipas ang ilang oras na parang hindi ko na namalayan. Naging sunod-sunod ang ginagawa namin ni Ate Krista. Hindi ko dama ang pagod kahit parang nalibot na namin ang buong floor at mga botique dahil ang dami naming kwento sa isa’t isa. Hindi ko na rin sinubukan na mag-shopping at ayokong magbitbit. Ang sabi ko kay Ate ay window shopping lang muna ako at sa ibang araw na lang ako mamimili kapag pupunta ako as customer.
Sobrang tagal din kasi namin ni Ate Krista na hindi nakita ng personal ang isa’t isa kaya parang unlimited kwentuhan talaga. Ang communication namin ay thru mess3nger lang at halos puro greetings lang kapag may special occasions. Naging magaan ang pakiramdam ko dahil palatawa si Ate Krista at palabiro. Kagaya pa rin ng dati.
Hanggang sa lumipas na rin ang lunch namin na halos puro kwento lang ang ginawa ni Ate Krista tungkol sa mga nakakatawang experience niya dito sa mall. Sa mga empleyado at customers, pati na rin sa family niya at kung ano ano pa. Pero syempre at pati sa studies ko ay napag-usapan rin namin. Pati na rin si Adrian ay tinanong niya sa akin.
Akala ko ay maaga akong uuwi ngayon at magpapakita lang kay Ate Krista at konting usapan. But it turn out na nalibang na ako.
“Gusto mo ba na makita ang bodega, Bea… Tapos balik na tayo sa office ko? O baka gusto mo nang umuwi?”
“Sure, Ate Krista. After that ay siguro ay uuwi na ako sa mansion at pupunta na lang ako dito bukas o sa ibang araw.” Nakangiting sabi ko.
Naglalakad na kami sa medyo mas tahimik na bahagi ng department store.
“Doon nilalagay lahat ng stocks, pati ’yong mga hindi pa nailalabas,” paliwanag ni Ate Krista nang tinuro niya sa akin ang isang malaking pinto na natatanaw na namin.
Tumango tango naman ako. Nakaka-excite na mag-tour sa ganito. Umay na rin kasi ang laging libro ang kaharap ko. Feeling ko tuloy ay nasa fieldtrip ako.
Malayo pa kami sa entrance nang bigla ‘yong bumukas at napansin kong may lalaking papalabas na may bitbit na malaking karton.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Siya ‘yon!”