Beatrice Manuel
“I will miss you, Bea.” Exaggerated kasabay nang mahigpit na yakap sa akin ng kaibigan kong si Louise.
“OA! Ano ka ba, two months na bakasyon lang naman. Basta sabay tayo sa enrollment, ha? Gusto ko classmate pa rin kita.” Nakangiting sabi ko matapos kong yakapin ng mahigpit si Louise.
“Syempre, noh? Hindi naman ako makakapayag na hindi ako madikit sa’yo… Grabe tinaas ng grades ko dahil nakakahawa ang sipag mo sa pag-aaral.” Malambing na wika naman ni Louise.
“Tsk! User ka talaga!” Biro ko naman… Hayaan mo at kapag na-boring na ako sa province ay sasabihin ko kay Dad na baka umuwi na lang ako dito sa city.” Sambit ko na lang.
Laglag naman ang balikat ni Louise at halatang mami-miss talaga ako. Ako rin naman. Kung pwede nga lang na ‘wag nang magpunta doon sa probinsya ni Daddy sa Pangasinan at alam ko naman na mabagal ang oras doon. Gano’n sa probinsya.
“Sigurado ka bang hindi ka na sasama sa akin? Kahit hanggang ngayon lang, Bea… Tanong pa naman ng tanong sa akin si Renz kung kasama ka. Alam mo naman na patay na patay sa’yo yung tao?”
Mas lalo akong napailing sa kaibigan ko nang marinig ang pangalan ng lalaki. Isa ‘yong manliligaw mula sa college of commerce na napaka-kulit. Panay ligaw kahit na ini-snob ko na. Galing ito sa prominenteng pamilya at anak pa nga ng sikat na artista. Gwapo talaga at maraming nagkakagusto dito pero sa akin patay na patay.
“Naku, madami pa akong kailangan na gawin, Louise… I’m so sorry. Basta kapag nakabalik na ako ay aayain kitang gumimik. Tsaka gumimik na tayo nang nakaraang linggo. Okay na ‘yon.” Nakangiting sabi ko naman.
Nagkibit balikat naman si Louise. Gets na naman niya na hindi rin ako kahilig sa night out.
Pirmahan ngayon ng clearance at huling araw para sa school year. Sa wakas at dalawang taon na lang ay magtatapos ako sa kurso kong Law at pagkatapos no’n ay magse-seryoso naman para mag-review sa Bar Exam.
Paminsan minsan lang ako sumama sa mga gimik. Actually ay bihira lang. As a Law student at hindi talaga uso sa akin ang mga gimik dahil ang dami naming inaaral. Pati na rin naman ang mga classmate ko at ganoon din. Siguro ay sumpa talaga sa gustong mag-abogasya na maging masipag sa pag-aaral.
Mas priority ko ang mag-aral dahil ‘yun din naman ang laging sinusuksok ni Daddy sa kukote ko. Na kailangan kong makapasa sa Bar ng isa sa topnotcher.
Nang nakaraang linggo ay sumama na ako sa bar nang inaya ako ni Louise. Pero in-ensure ko na mga babae lang ang kasama kaya napa-oo ako. At ngayon na sinabi niya na may kasamang lalaki, ay big ‘NO’ talaga.
Hindi ako pwedeng ma-link sa kahit kaninong lalaki at baka makarating pa kay daddy at pagbawalan pa ako sa mga pasimple simpleng gimik ko. Maluwag naman sa akin si Daddy pagdating sa pag-manage ko ng schedule ko. Alam niya naman kasi na masunurin akong anak.
“Fine! Sige… Mauna ka na at baka maubusan ka ng oras sa pag-eempake mo.” Biglang sabi sa akin ni Louise.
Iniwan ko na rin ang kaibigan ko at nagtungo na papalabas ng school. Magta-taxi lang ako ngayon. Usually ay nagta-taxi lang talaga ako kahit may sarili akong kotse. Inayawan ko kasi na magkaroon ng driver na naghihintay sa akin. At minsan naman ay tamad din naman akong mag-drive. Pero kapag sinipag ay dinadala ko ang kotse ko dito sa school.
Palabas pa lang ako ng campus ay natigilan naman ako nang bigla akong hinarang ni Renz. I’m sure ay may nag-chuchu na from my classmates na papalabas na ako ng campus. Baka nga si Louise pa ang nagsabi kay Renz.
“Beatrice… Can I talk to you for a while?” Puno ng pagsusumamo nitong sabi sa akin.
Tumingin ako sa wristwatch ko para ma-feel ni Renz ang pagmamadali ko.
“I’m sorry, Renz… Nagmamadali kasi ako.” Seryosong sabi ko pagkatapos kong tingnan ang wristwatch.
“Gusto mo ihatid na lang kita? Please?”
“I’m sorry…” ang sabi ko pa rin.
Nagkibit balikat si Renz… “Fine. Pero available ka sa weekends? Pwede bang mag-date tayo?”
Marahan akong umiling. “I’m sorry, Renz… I’ll be out of the city. Matagal akong mawawala.”
Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Renz. Hindi ko na siya in-accommodate at nakakalungkot din naman na may ni-rereject akong lalaki.
Ayokong pagbigyan kahit isang beses si Renz. Ayoko siyang bigyan ng false hope. Marami akong naririnig tungkol sa kanya na na mga bad traits, pero hindi lang din ‘yon ang dahilan kung bakit ayaw ko.
Hindi pwede. ‘Yan ang tinaga sa akin ni Daddy. Bawal akong mag-boyfriend dahil nakatakda akong ikasal sa anak ng kaibigan niya. Isang kasunduan na hindi ko na matatakasan at pikit mata kong susundin para lang hindi ma-disappoint sa akin si Daddy.
Ang nasa isip ko na lang ay natutunan naman ang pagmamahal. Kagaya ni Mom and Dad… They are from arranged marriage, but they love each other… so much. Mahal na mahal ni Daddy si Mommy at nakita ko ‘yon hanggang sa huling hininga ni Mommy. Nakita ko kung paano inalagaan ni Daddy si Mommy nang mga panahon na hirap na hirap na ito at ginupo na ng matinding sakit.
I was 15 years old when my mom died due to breast cancer. ‘Yon na yata ang pinakamadilim na yugto ng buhay ko. Ang hirap tanggapin na hindi na naagapan ang buhay ni mommy.
Nakita ko kung paano magluksa si Daddy sa pagkawala ni Mommy. Limang taon na rin ang nakakalipas no’n at ramdam pa namin pareho ang bigat nang mawalan ng ilaw ng tahanan.
Simula noon ay naging busy na rin si Daddy at tinuon lahat ng atensyon sa negosyo. Pero akala ko ay forever nang magluluksa si Daddy. Hindi din pala. Akala ko ay hindi niya kayang palitan si Mommy sa puso niya. I was wrong.
Three months ago ay may pinakilala sa akin si Daddy. His girlfriend. Nasaktan akong nakaya ni Daddy na palitan si Mommy sa puso niya.
Akala ko talaga ay hindi na mag-a-asawa si Daddy. Pero hindi ko rin naman siya masisi. He’s still young. 42 years old pa lang siya. He was 21 years old kasi nang kinasal sila ni Mommy at nabiyayaan naman ng anak. At ako ‘yon. Nagkaroon pa ako ng kapatid daw sabi ni Mommy nang um-edad ako ng 2 years old. Pero baby pa lang ay namatay na kaya di ko naalala ‘yon. Hanggang kwento na ang kapatid ko at nakita ko na lang ang pictures. Dinadalaw na lang namin tuwing undas.
Hindi rin naman single ang girlfriend ni Daddy. Isang biyuda na may anak na rin na babae na mas matanda pa sa akin ng isang taon. 21 years old na. At isang tingin ko pa lang sa babaeng ‘yon ay hate ko na agad. Hindi ko bet ang awra niya. Ang awra nilang mag-ina.
Pero ano ba ang magagawa ko? Mukhang masaya naman si Daddy dahil kahit paano ay naging masigla siya na may lovelife na siya matapos ng ilang taon na pagluluksa kay Mommy.
Alam kong masama ang ipagdasal na masira ang relasyon ng iba. Pero lihim kong inaasam na sana ay panandalian lang ang relasyon ni Daddy doon sa girlfriend niya. Ang masaklap kasi ay kadalasan ay gano’n age talaga ay seryosohan na ang relasyon. Pero sana ay ‘wag silang mauwi sa kasalan.
Sa totoo lang ay ang isa sa greatest wish ko ay magkaroon ng kapatid. Pero gusto ko ay kadugo ko. Ayoko doon sa anak ng girlfriend ni Daddy na mukhang ngayon pa lang ay inaagawan na ako ng pwesto sa pagiging anak.
Nakasakay na ako ng taxi at umuwi ng mansion. Pagkarating doon ay sinalubong agad ako ng mayordoma namin na si Nanay Rosa.
“Senyorita, nakarating ka na pla. Kamusta ang last day?” Nakangiting bati ng matanda sa akin.
“Okay naman, Inang…” Sambit ko. Inang ang tawag ko sa kanya at bata pa lang talaga ako ay tagasilbi na siya ng pamilya namin.
“Ayun, nakakalungkot, Inang, kasi hindi ko na makikita ang mga friends ko… Pero at the same time ay masaya na rin at makakahinga na ng maluwag kahit sandali ang utak ko.”
“Mabuti naman, Senyorita… Mag-enjoy ka doon sa probinsya, ha… Naku. Mamimiss ko ang bunso dito sa mansion.” Sambit pa ni Nanay Rosa.
“Mas mami-miss kita, Inang… Lalo na ‘yung lambing mo sa akin at kapag nilulutuan mo ako ng pakbet with bagnet.” Sambit ko.
Ilokana kasi si Nanay Rosa at napaka-authentic ng luto niya. Madalas din ay gulay ang pinapakain niya sa akin para lalo raw akong tumalino. Gano’n ka-concern si Inang sa akin.
“Naku, baka naman pwede kang mag-request kung sino ang magiging kasambahay doon sa Pangasinan.”
“Ewan ko, Inang kung magugustuhan ko. Nasanay ako sa luto mo.”
Nakita ko naman ang kilig ni Inang sa sinabi ko.
“Naku, ikaw talaga, Senyorita. Napaka-cheesy mo!” Naiiling na sabi ni Nanay Rosa. Ako naman ay natutuwa at nakiki-ride na siya sa mga gano’ng salita na cheesy daw.
“Sige po, Inang… Check ko na ang mga dadalhin ko bukas at baka may nakalimutan ako.
Mabilis naman akong nagpunta ng kwarto ko. Sinigurado kong secured ang mga Law books na dadalhin ko. Para kahit papaano ay ma-refresh pa rin ang utak ko kapag wala nang magawa doon.
Hindi pa ako nakakatapos maglagay ng mga books ko sa maleta ay narinig ko ang ring ng cellphone ko na pinatong ko sa side table ko.
Si Daddy ang tumatawag sa akin.
“Dad?” Sagot ko.
“Hello, Bea… Kamusta ang pag-iimpake mo?”
“I’m almost done, Dad… Anong oras po ba kayo uuwi dito?” I asked.
“Uhm, I’m sorry, hija… I can’t… Masama kasi ang pakiramdam ng Tita Amanda mo… Kailangan ko muna siyang samahan. Anyway, tatawag tawagan na lang kita bukas kapag nasa byahe ka na… Magpahinga ka muna pagdating mo do’n…”
Napabuntong hininga ako sa narinig. Hindi ko tuloy alam kung kailan ko pa makikita ang daddy ko. Narito siya sa syudad naka-focus na mag-trabaho. I’m sure na bihira niya lang akong madadalaw doon.
Parang ngayon pa lang ay nagsisisi na akong pumayag kay Daddy sa sinabi nito na magbakas yon muna ako sa Pangasinan. May gusto din kasi siyang ipagawa sa akin, eh, kaya siya ang nag-decide kung saan ako mag-stay ngayong bakasyon.
Gusto niyang i-train ako sa isa naming pag-aari na mall doon. Gusto niya na akong matututo na mag-handle ng business kaya ngayong maaga pa lang ay kailangan ko na raw na magpunta doon at mag-trabaho kahit part-time lang para ma-familiarize ako sa takbo ng isa sa mga negosyo namin doon.
“Pero, kailan niyo po ako pupuntahan doon, Dad?” Malungkot na tanong ko.
“I’m not sure, Bea… Kapag nakaluwag ako ng schedule ko ay pupuntahan kita doon.”
Gano’n? Bakit ‘yung sama ng pakiramdam ni Tita Amanda na girlfriend niya ay naisisingit niya sa schedule. Bakit ako walang time?
Hindi ko maiwasang magtampo.
“Fine, Dad.” Sambit ko na pinahalata kong nagtatampo ako.
“I’m really sorry, hija.. I’ll make up to you. I promise. Alam ko naman na masunurin kang bata. Ang mga binilin ko sa’yo ha? Bawal kang mag-entertain ng kahit sinong lalaki. Ayokong malaman ng pamilya ni Adrian na nagpapaligaw ka. I trust you.”
Napabuga ako ng hangin. “Yes. Dad. I promise.”