Napalunok ako. Diyos ko! Hanggang ngayon ba naman ay kontrabida si Corrine sa buhay ko? “Bakit mo siya pinatay!?” Galit na tanong ko na pinanlisikan ko ng mata si Corrine. Ayokong ipakita sa kanya ang takot na nararamdaman ko ngayon. “Dahil ayaw niyang sumunod sa akin! Kaya pinatay ko na lang siya! At ikaw ang susunod sa kanya, Bea. Sinira mo ang buhay ko kaya sisirain ko rin ang sa’yo!” Kita kong kung paano nag-aapoy ang mata ni Corrine sa galit. “Ano bang pinagsasabi mong sinira ko ang buhay mo!? Ikaw ang sumira sa akin, Corrine. Kayo ng Mommy mo! Inagaw niyo sa akin si Daddy. Simula ng dumating kayo sa buhay niya ay nawala na ang atensyon niya sa akin. Mas pinili kayo ni Daddy kesa sa akin!” Galit na sagot ko. Ngumisi si Corrine at mas kinilabutan ako sa paraan ng pagngisi niya

