“Tess bakit hindi ka bumalik sa lugar ninyo, baka merong nakakaalam kung nasaan ang hinahanap ni boss” wika kay Tess ni Baldo, isa sa mga tauhan ni Kenneth Cheng. Binuga niya ang usok ng sigarilyo, “tumigil ka! Sukang suka ako sa lugar na iyon, isa pa siguradong si Norman ang bahala doon” wika niya. “Sabagay mahahanap din natin yon, bakit naman kasi ayaw sabihin ni Boss kung bakit kailangan niya ang babaeng yon” ngising wika nito sa kanya. “Wag mong ubusin ang pasensya ko Baldo” banta niya sa lalaki, “malaking halaga ang pwedeng pagbentahan kay Blanca yun lang ang kailangan ni Mr. Cheng” galit niyang usal dito. “Sabi mo eh” tatawa tawang wika nito sa kanya. “Hindi ako papayag na maging talunan na naman, sisiguraduhin kong hindi mo gugustuhing mabuhay pa Blanca sa gagawin ko sa iyo” ma

