"Kuya balikan natin sila mommy at daddy, please!" palahaw ng kanyang kapatid. Akay akay niya ang nakakabatang kapatid, kanina pa sila lakad takbo. Nakita niya ang isang malaking puno, inakay niya ang mga kamay nito. "Kumapit ka sa aking mabuti baby sis" wika niya sa kapatid, pilit niyang pinapatahan ito. "Tamang tama dito muna tayo magpapalipas ng gabi "wika niya ng makarating sila sa ilalim ng punong kahoy. "Kuya paano na tayo ngayon? Bakit tayo nagtatago sa mga pulis" wika nito sa kanya. "Blanca hindi na tayo pwedeng bumalik sa bahay natin" wika niya habang pinupunasan ang duguang mga braso ng kapatid. "Kuya nagugutom na po ako" naluluhang wika nito sa kanya. "Huwag na huwag kang aalis dito ha, maghahanap ako ng bungang kahoy na pwede nating makain" bilin niya rito, tumango ito

