Chapter 13

1253 Words

Nagising si Brandon na bakante ang kabilang bahagi na hinigaan ni Blanca. "Pangako Brand, buong puso akong tutupad sa ating kasunduan, pangako" May munting ngiti ang kanyang mga labi sa pag-alala sa narining niyang binulong ni Blanca sa kanya kagabi, naalimpungatan siya kagabi ng bumangon ang asawa pero sa sobrang pagal ng katawan niya ay di niya minulat ang mga mata. Sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, nagdulot ng kasayahan sa kanyang puso ang binulong ng asawa. Matapos siyang mag shower ay lumabas siya ng kanilang silid, tinungo niya ang kusina dahil siguradong nandoon ang asawa at abala sa pagluluto. Nadatnan niya itong abala sa paghahalo, amoy niya ang mabangong sinangag na niluluto nito. Nilapitan niya ito at iniyakap ang kanyang mga bisig sa asawa at hinagkan niya ang leeg nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD