Tunog ng nag-iingay na cellphone ang gumising kay Blanca. Masakit ang buong katawan niya lalo na ang ibabang bahagi ng kanyang puson. Inaantok na nagdilat siya ng mata ng may gumalaw sa kanyang hinihigaan. Napasinghap siya ng marealized niyang nakatulog siya sa ibabaw ng katawan ni Brandon. Ang mga bisig nitong nakasuporta sa kanyang likuran ay mahigpit na nakayakap sa kanya. "Brand" gising niya rito at pinipilit niyang kumalas sa pagkakayakap nito. "Stay mi querida" bulong nito. "Di ka ba nangangawit?"tanong niya sa asawa. "No, let's go back to sleep" inaantok na sagot nito. "Brand ang cellphone mo" aniya. Patuloy ang pag tunog ng cellphone nito. Mas hinigpitan ni Brandon ang pagkakayakap sa kanya at inabot nito ang cellphone. "This be better be good or else I'll fire you Louie"

