Chapter 4

1272 Words
Nagsialisan ng ang mga taong nakipaglibing sa kanyang Tiyong Abel. Nakatunghay siya sa pinaglagakan ng mga labi nito. Hindi maampat ang mga luha sa kanyang mga mata. Katabi nito ang libingan ng kaniyang mga magulang. "Blanca tara na, mukhang uulan" yaya sa kanya ni Tess, katabi nito si Danita. "Anong plano mo ngayon Blanca?" tanong sa kanya ni Danita. "Hindi ko pa alam" mahinang sagot niya rito. "Basta girl nadito lang kami ni Tess para sa iyo" tugon nito, nakangiting tumango naman si Tess. "Salamat" tipid niyang sagot. Inihatid siya ng mga kaibigan sa bahay ng tiyuhin. Wala ang tiyahin niya at ang dalawang pinsan. Nakaramdam ng matinding kalungkutan si Blanca na para siyang sinasakal. "Nandito na pala ang malas sa buhay natin mommy" nakaismid na wika ni Janice. "Magbabalot balot ka na gayong wala na si Abel, kay Mr. Cheng ka na titira" nakangising wika ng tiyahin sa kanya. "Ho?" naguguluhang tanong niya rito. "Nabayaran ka na ni Mr. Cheng ng isang daang libo ibabahay ka na niya" hayag nito sa kanya. Napasinghap siya sa winika ng tiyahin, "wala ho kayong karapantang ibenta ako Tiyang" sigaw niya rito. Ang Mr. Cheng na sinasabi nito ay ang may-ari ng lupain ng kanilang lugar, balita ding sangkot ito sa illegal na gawain. "Walang hiya kang babae ka, wala kang utang na loob" hinila ng tiyahin ang kanyang buhok, hinawakan naman ni Janice ang braso niya at kinaladkad siya ng mga 'to papasok ng kanyang silid kasunod ng mag-ina si Marie. "Bitawan nyo po ako Tiyang, maawa kayo sa akin" pagmamakaawa niya rito. "Diyan ka, bukas ay kukunin ka ng mga tauhan ni Mr. Cheng!" isinara nito ang kanyang silid at narinig niyang nilagyan nito ng kandado. "Tiyang! Buksan ninyo ito, pakawalan ninyo ako Janice, Marie" kinalampag niya ang pintuan. "Tama lang sa iyo yan!" humahalakhak na sigaw ni Janice sa kanya. "Mommy yung parte namin ni ate nasaan na" naulinigan ni Blanca na wika ni Marie habang narinig niya ang tawanan ng mga ito. Wala siyang magawa kundi ang humagulgul na lang. Wala siyang mahihingan ng tulong, alam niyang sa mga sandaling iyo ay nasa club na si Tess. Nakatulog si Blanca sa kakaiyak, ng imulat niya ang kanyang mga mata ay madilim na ang paligid. Kinabahan siya ng may marinig siyang kaluskos. "Sino yan!" sigaw niya at pilit niyang inaaninag ang parte ng silid kung saan niya narinig ang ingay. Bumaha ang liwanag sa paligid ng buksan nito ang ilaw sa kanyang silid. Bumadya ang pagkagulat at takot sa kanyang buong pagkatao ng masilayan niya ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan na nakangisi sa kanya, pulang pula ang mga mata nito at naamoy niya ang amoy ng alak at sigarilyo sa bibig nito ng ilapit nito ang mukha sa kanya. "A-anong ginagawa mo dito?"pilit niyang pinapatatag ang kanyang tinig. "Di ba sinabi ko sa iyo na magiging akin ka" tumatawang wika nito Dahan dahan siyang umurong subalit dinamba siya ng lalaki. "Norman ano ba, maawa ka! 'wag mong gawin sa akin 'to" pagmamakaawa niya sa lalaki. "Hmmm ang kinis mo, matitikman na din kita, hindi ako makakapayag na makauna si boss sa iyo" hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay at pilit siyang hinahalikan. Pilit niyang iniiwas ang kanyang mukha at tinutulak ito. "Ahhh!" nanghihinang daing niya ng sikmuraan siya ni Norman, tumulo ang kanyang luha. "Diyos ko, maawa ka" piping dasal niya. "Huwag ka ng maglaban babe, masasarapan ka sa gagawin ko" dinalaan nito ang kanyang mukha. Diring diri si Blanca sa ginagawa nito, ang kamay nito ay pilit na tinatangal ang kanyang pang itaas. Naramdaman niya ang malamig na bagay sa kanyang dibdib, napasinghap siya ng makita ang patalim na hawak nito. Pilit niyang kinalma ang sarili, kailangang makaisip siya ng paraan para makawala dito. Pinigilan niya ang sariling wag maglaban. "Norman, Norman, babe" malambing na bulong niya sa lalaki. Tumigil ito sa ginagawa at tinitigan siya, bakas ang pagkagulat sa mukha nito. "Sinasabi ko na nga ba at bibigay ka din" nakangising wika nito sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi nito, lahat ng pagpipigil ay ginawa ni Blanca para di siya masuka. "Ilayo mo na yang hawak mo" utos niya sa lalaki, pilit niyang tinatago ang panginginig na kanyang mga kamay ng hawakan niya ang laylayan ng suot nitong t-shirt. Nakangising binitawan nito sa side table ng higaan niya ang hawak nitong patalim. Nakangiting dahan dahan niyang itinataas ang suot nitong damit, inipon ni Blanca ang lahat ng kanyang lakas at tatag. Nang iangat nito ang dalawang braso para mahubad ang damit, yun na ang pagkakataong hinihintay niya, hinigit niya ang damit upang maitakip ito sa mukha ng lalaki. Pilit nitong kumakawala, buong lakas niya itong itunulak at nahulog ito sa sahig, kahit nanginginig ay tumakbo siyang nakayapak at lumabas ng bahay. "Blanca!" tawag ni Norman sa kanya, walang lingon lingon na tinakbo niya ang daan palabas ng iskinita, natanawan niyang nakakumpol ang mga barkada ni Norman sa kanto. Alam ni Blanca na walang tutulong sa kanya pero nagbakasakali siyang tinakbo ang papunta sa tindahan ni Aling Rosa. "Aling Rosa!" mahinang tawag niya rito. "Sus maryosep, napano kang bata ka" gulat na tanong nito. Binuksan nito ang pintuan at dali dali siyang pinapasok. " Tulungan ninyo po ako hinahabol po ako ni Norman" umiiyak na wika niya sa matanda. "Hakika dito ka bodega", inakay siya ng matanda sa di kalakihang silid, puno ito ng mga kahon at basyo ng bote ng alak at softdrinks. "Salamat po!" naluluhang wika niya. Tumango ito sa kanya. "Hanapin ninyo hindi pa yun nakakalayo!" boses ni Norman ang naulinigan niya. Nagkatinginan sila ni Aling Rosa. Inayos nito ang mga box para matakpan siya. Nanginginig na niyakap niya ang sarili. "Wag kang gagawa ng kahit anong ingay" bilin ng matanda sa kanya. Lumuluhang tumango siya rito. Isinara nito ang silid. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay bumukas ang pintuan. "Blanca sinara ko na ang tindahan, hinahanap ka pa din nila Norman pati ang bruha mong tiyahin" pagbibigay alam nito sa kanya. "Dito ka muna sa bodega dadalhan kita ng kumot at unan, may extra akong foam at electric fan, mahirap na, heto kumain ka muna" nakangiting wika nito sa kanya. "A-aling Rosa, salamat po" mahinang wika niya rito. "Ano ba ang nangyari?" tanong nito sa kanya. Sa nanginginig na tinig ay isinalaysay niya ang nangyari mula sa pagbebenta sa kanya ng tiyahin kay Mr. Cheng hanggang sa tangkang pagsasamantala ni Norman sa kanya. "Walanghiya talaga yang bruhang Nida na yan" galit na galit ito. "Aling Rosa kailangan ko pong makausap si Tess" tugon niya sa matanda. "Sige ako ang bahala, wag ka mag-alala tsismosa ako pero alam ko kung saan lulugar" nakangiting winika nito. Bahagya siya natawa sa sinabi nito. "Maraming salamat po talaga" aniya. "Wala iyo, oh siya magpahinga ka na bukas ng umaga ay aabangan ko ang paguwi ni Tess, kumain ka na, kukunin ko ang gagamitin mo at kukuhanan na din kita ng pamalit" nakangiting wika nito. Ginantihan niya ito ng ngiti. Lumabas ito, kinuha niya ang plato na may kanin at pritong isda. Hindi niya magawang lunukin ang pagkain na inihain ni Aling Rosa. Lumuluhang tumingala siya at pumikit. "Panginoon kong Diyos, tulungan po Ninyo ako, gusto ko pa pong mabuhay pero nanghihina na po akong lumaban" naluluhang dalangin ni Blanca. Nangangalit ang bagang ni Norman, nalibot na nila ang buong lugar pero ni anino ni Blanca ay di nila nakita. "Wala talaga pre, lagot tayo ka bossing, bakit kasi naisip mo pang pakiaalaman si Blanca" wika ni Toto kay Norman. "Tumahimik ka!" bulyaw nito kay Toto. "Hindi ka makakalayo Blanca, magbabayad ka sa pag-iisa mo sa akin" bulong nito sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD