Chapter 32. Hide & Seek

1768 Words

TRIDA POV Linggo ng hapon na ngunit wala pa rin si Ivy. May plano pa kayang bumalik sa dorm 'yon? Ang sabi niya kasi sa text message niya kaninang umaga ay bago raw humapon, narito na siya. Ngunit malapit na magdilim ay hindi pa rin siya dumarating. Hindi kaya naipahamak na s'ya ng katangahan n'ya? "Ate Mildred, wala pa si Ivy?" tanong ko pagbaba ko sa lobby. Naabutan ko siya roon, nanonood pa rin ng tv. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumaba dahil lang sa kahihintay sa bruhang 'yon. "Wala pa." Saglit niya lang akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa screen. Bumuntong-hininga ako at pabalik na sana ulit sa itaas nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Napahinto tuloy ako sa unang baitang ng hagdan. Baka si Ivy na 'to. Ngunit ang malapad kong ngiti ay biglang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD