IVY POV Pagdating ko sa dorm, hindi ko inabutan si Trida sa kwarto. Nasaan kaya siya? Inilapag ko ang bag ko, pati na rin ang binili kong pagkain sa nadaanan naming restaurant kanina. Kinuha ko ang cell phone ko at naisipan ko siyang tawagan. Ilang ring lang 'yon bago siya sumagot. "Nasaan ka?" bungad ko sa kaniya. "Pauwi na." "Sa'n ka galing?" "Kinuha ko 'yung damit natin sa laundry shop. Hiyang-hiya naman ako sa'yo, wala ka ng isusuot bukas, e!" Nanumbat pa talaga. "Sana kasi hinintay mo na lang ako. Sino kasama mo? Mag-isa ka lang ba?" "Kasama ko si Yuwi." "Mabuti kung gano'n. Delikado kung mag-isa ka. Baka kuhanin ka na naman ng naka-van. Anyways, dalian mo. May pag-uusapan tayong impotanteng mahalaga." "Ano?" "Basta. Mamaya. 'Wag kang excited!" I ended the call and threw my

