The Boss POV
Susunod na sana ako kay Wren pagkatapos itago sa compartment ang isang helmet nang may tumabi sakanyang lalaki. Parang biglang lalo nag init ulo ko dito. Sino ba to? Papalapit na sana ako ng mamukahan ko. Shet nandito na siya.
Hinintay ko silang makapasok bago ako sumunod at pumwesto sa kasalungat na mesa nila. Nag order nalang ako habang binabantayan sila.
Ang ganda pa ng ngiti ni Wren habang kinakausap ng lalaki, nag order naman ito ng isang bucket ng beer.
Di ko maalis mata ko sakanila lalo na't sakit sa ulo tong lalaking to. Bukod sa linalasing niya mga biktima niya hinahaluan pa nito ng droga ang mga alak ng mga to pag di nakalingon saka isasama sa kung saan man ang hide out niya bago papatayin. Dapat kalma lang ako pero sobra na kaba ko.
Alam naman ni Wren mga amoy ng mga droga at pano mag ingat sa mga ito. Sapat naman na siguro lahat ng training ko sakanya para di pumalya dito. Kung pwede lang na di ikaw kaso ikaw lang pumasa sa lahat ng natrain.
Habang binabantayan sila ay unti unting lumalapit ang lalaki dito habang naglalakbay ang kamay niya pataas sa hita ni Wren. My arms cleched seeing his bold action in such an open space, ni hindi manlang siya maghanap ng secluded place para sa ganon. Bwisit.
"Wren, distance yourself." bulong ko,
"Ahmmm, Kev ang bilis mo ata? Di pa nga tayo nakakaisang baso. Inom muna." saka ito alanganing tumawa bago kinuha ang bote at linaklak. Ngumiti naman ang lalaki na tinawag niyang Kev at tinaas ang kamay saka bumulong. Sobrang hina ng boses niya di ko maintindihan pero pansin ko ang gulat sa mata ni Wren. s**t ano kaya yun.
"Fine. Basta bigyan mo ko ng bago sige." Yun lang at saglit na nagtama ang mata namin ni Wren bago niya inalis ang hikaw na suot saka linaglag sa bakanteng baso at binuhusan ng beer. Nagsalita pa ito ngunit di na marinig habang muhkang naeiwili naman ang loko.
Napasapo nalang ako ng muhka at pasimpleng inalis ang headset saka binulsa dahil walang kwenta naman na ito.
Parami na ng parami ang tao sa bar kaya hirap nakong bantayan sila dahil dancefloor ang pagitan namin. Ngunit habang pasimpleng binabantayan sila ay pansin kong biglang sinunggaban ng lalaki si Wren. Halos di ako makapagreact nang sinibasib niya ng halik si Wren, kunot noo namang napapikit si Wren.
Pupunta na ba ako? Pero baka di na namain mahuli to.
"Bwisit" bulong ko nang mapansin kong hawak hawak na ng lalaki ang dibdib ni Wren. Gago talaga. Agad akong tumayo at kinuha ang baso ng alak sa mesa ko at dumeretso sakanila. Habang nakatalikod sakin ang lalaki at si Wren ang nakakita sa paglapit ko na ipinanlaki ng mata niya ay agad kong binuhos ang beer sa likod nito na nagtigil sakanya.
"Bwisit! Ano ba?!" Lingon nito saka ako ngumisi, halatang galit na galit to dahil basang basa ang buong likod niya.
"Sorry bro. Natapilok ako."
"Natapilok o binuhos!?" aambahan nako nito ng suntok nang hinila siya ni Wren at hinalikan sa pisngi.
"Hey Kev, relax. Labas nalang tayo." pasweet nitong sabi na agad nagpakalma sa ugok na to.
Ano naman pumasok sa utak din ng babaeng to? Malala na nga tong sitwasyon niya mas papalalahin niya pa! Hindi over acting lang ako. Okay na tong makalabas sila. Baka sakaling sa hideout sila pumunta.
"Pasalamat ka good mood ako ngayon baka napatay na kita."
"Kev lika na!"
Halos nandilim mata ko di dahil sa banta niya kundi sa pagngisi nito at talikod sakin sabay hawak sa beywang ni Wren na akala mo pag aari niya. Naiwan ako mag-isa don at hinintay sila makalabas pati ang mga tao na nakatingin ay nagbalikan sa mga pwesto nila.
Nang humupa ay agad ako sumunod at pansin ko ang paglakad nila papasok ng isang motel. Alam ko matagal na tong sarado at forsale na pero bakit---
Dito lang ang hideout niya?! Agad kong in-on ang camera na nakakabit sa bulsa ng shirt na suot ko at palihim na sumunod.
Mula sa entrance ay dumeretso sila sa pinakadulong silid ng first floor, pansin ko pa ang lakas ng pagsalita ni Wren saka saglit na lingon sakin. Tumango lang ako saka pumasok sa katabing kwarto na pinasukan nila, swerte dahil bukas na ito.
Hindi din soundproof ang silid dahil sira sira na ito at madumi baka inipis na lahat ng soundproofing nito kaya dinig ko ang usapan nila.
"Di na ba tayo iinom?" tanong pa ni Wren, dahil wala nang recorder si Wren ay nagrecord ako sa phone ko at itinabi ito sa pader kung san mas dinig ang boses ng dalawa.
"Tama na, alam mo naman motel tong pinasukan natin diba?"
"Diba sarado na to? Tsaka nabitin ako sa alak." iwas ni Wren sa lalaki
"Walang alak dito. Eto gusto mo?" rinig ko pa ang tunog ng plastic sa kabila.
"Ano yan?" tanong ni Wren
"Modern version ng aphrodisiac. Mas malakas to at mas masayang gamitin."
Tangina eto na siya. Pupuntahan ko na sana siya nang bigla nagsalita si Wren. "Teka!" di ko alam pero bat parang ako sinabihan niya?
"Bat may aphrodisiac? Para san yan?"
"To make our night more hotter and wilder."
Ano pa ba gusto mo Wren?!
"Eh bawal yan. Wag nalang uwi nako." alanganin na boses ni Wren. Di ko lam kung nagpapanggap ba siya o ano.
"Ano?! Uuwi?! Di ka na makakauwi. Magsasaya tayo dito buong gabi." saad pa nito sa mababang boses at halatang inis na.
"A-ano yan?!"
"F.... wha I ay o.. die." Teka ano daw??? Di ko naintindihan. Dahan dahan pa kong lumabas saka tumapat sa pinto ng dalawa nang biglang tumili si Wren.
"Wahhhh! W-wait! No!" Isang malakas na kalabog pa ang narinig at di nako nagdalawang isip na sipain ang pinto pabukas ng abutan ko si Wren na nakabagsak sa sahig habang hawak ng lalaki ang isang kutsilyo at posas.
"Stop where you are!!!" sigaw ko sabay tutok ng baril sa lalaki na nagitla din sa pagdating ko.
Binalingan ko naman ng tingin si Wren namumungay ang mata habang yakap yakap ang sarili. Punit ang suot nitong top at tube sa harapan kaya kung di niya to tinakpan ay kitang kita na ang buong harap niya.
"ASH!!!" sigaw nito saka biglang tumayo, napatingin agad ako sa lalaki na iwinasiwas ang isang kutsilyo papunta sakin. Di nako nakalayo pa kaya ihinarang ko ang kaliwang kamay ko dito. Yinakap ng isang kamay ko si Wren para makaiwas din dito.
"Panira!" sigaw ng lalaki, masama ko tong tinignan at agad na hinila ang kamay niya na may hawak na kutsilyo saka inikot palikod niya at binagsak sa sahig. Dahil sa ginawa ko ay nalaslasan pa niya ang katawan ko dahil sa paghila ko sa kamay akanya. Pero di ko na ito ininda at inagaw ang kutsilyo sa kamay saka ko pinosasan.
"Boss..." alalang tawag ni Wren mula sa likod ko. Tumayo ako at inapakan to sa batok saka tinignan ng masama si Wren. Ano ba kasi nakain nito ginusto pang umalis?! Isa pa linunod niya sa alak yung tracker/headset sa alak.
"Alisin mo yang damit mo."